Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz 2

Magic Voyz magaling magpakilig sa kanilang mga kanta

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Martes ng gabi, ay nagkaroon ng show sa Viva Cafe ang all-male group na Magic Voyz composed of Jhon Mark Marcia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane, ang composer sa grupo.

Hand-picked mismo sila ng kanilang manager na si Lito de Guzman para mapabilang sa grupo. 

Ayon kay Nanay Lito, ang pangalang Magic Voyz ay inspired sa drama-comedy film na Magic Mike na ipinalabas noong 2012.

Siyempre pa, sa kanilang show, kinanta ng Magic Voyz ang debut single nila na Wag Mo Akong Titiganat ang second single nila na Bintana. Mula ang mga ito sa Viva Records at LDG Production ni Nanay Lito. Out na ang mga kanta sa streaming plaforms.

In fairness sa  Wag Mo Akong Titigan at Bintana, maganda ang lyrics at melody ng mga ito, huh! Madaling kantahin. Kumbaga, may recall.

Humanga kami sa performance ng Magic Voyz. Hataw sila sa stage at ang huhusay nilang kumaldag. Kaya naman talagang enjoy ang kanilang audience that night, lalo na ang mga kababaihan at mga kabadingan.

Sa tanong kung tungkol saan ang Wag Mo Akong Titigan, ang sagot ni Yohan, “’Yung song po kasi na ‘Wag Mo Akong Titigan,’ 

base siya sa isang…kumbaga, may ina-idolize ka na isang babae. Na kumbaga, gusto mo siya. Pero parang nahihiya ka, hindi mo siya kayang kunin agad-agad. So, parang may gap. Tina-try mo siyang i-work out. Parang ganoon.”

Tiyak ang Magic Voyz ang maikukompara sa ibang all-male-group.  Pero ayon kay Yohan, “Hindi namin siya binuo para makipagkompetensiya. So, binuo namin siya because we have a magic. At gusto lang naming mag-enjoy at magpasaya ng tao thru our songs and performances.”

Sa tanong naman kay Yohan, kung sino ang gusto niyag makatrabaho given a chance, ang sagot niya ay sina Angel Locsin at Donnalyn Bartolome.

SI Mhack naman ay si Donnalyn din at Barbie Imperial ang gusto niyang maka-work in the future. Si Jhon Mark naman ay si Lovi Poe ang gustong makasama sa isang project.

Ang Wag Mo Akong Titigan ay mula sa komposisyon ni Mandy Atun at ang Bintana ay isinulat ni Yohan. Out na sa lahat ng streaming platforms ang dalawang awitin.

Ang members ng Magic Voyz ay hindi lang singers/performers kundi mga artista rin. Marami na silang nagawang pelikula.

For booking and inquiries, pwede silang kontakin sa page ng Magic Voyz 09178403522 at sa Viva Artist Angency.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …