BINIGYAN ng Restricted-16 (R-16) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang documentary film na Alipato at Muog kasunod ng ginawa sa ikalawang pagsusuri sa kanilang pelikula.
Binubuo ang komite mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan nina Atty. Gaby Concepcion, Atty. Paulino Cases, Jr., producer ng pelikula at telebisyon na si JoAnn Bañaga, executive at music producer na si Eloisa Matias, at ang retiradong guro na si Maria Carmen Musngi.
Ayon sa komite, binibigyang konsiderasyon nila ang kahalagahan na mabalanse ang interes hindi lamang ng malayang pagpapahayag kundi maging ang interes ng bansa sa pagpapanatili ng integridad nito at ng kaayusan ng publiko.
Ipinahiwatig din na hindi nila kailangan ang mas malawak na pag-iisip para maintindihan at maunawaan ang mga seryosong usapin na nais ipakita ng dokumentaryo, habang tinitiyak na hindi malalagay sa alanganin ang paniniwala at kompiyansa ng manonood sa pamahalaan.
Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas.
Nilinaw din ng MTRCB na habang sinusuportahan nito ang mga pelikula at programa na ipinalalabas sa mga kolehiyo at pamantasan na siyang nagsisilbing plataporma pagdating sa pagpapahalaga ng mga pelikula, kinakailangan din na maunawaan ng publiko na ang mga pampublikong eksibisyon ng mga pelikula sa paaralan ay nananatiling sakop ng mandato ng MTRCB.
Susog ito sa Section 7 ng Presidential Decree No. 1986 at sa umiiral na Implementing Rules and Regulations (IRR) na tanging ang mga pelikula, TV program, at pampublikong materyal na nag-request ng iniimprenta o ipinalalabas ng pamahalaan o ng mga ahensiya ng gobyerno ay malaya at hindi na kailangan suriin o klasipikahin ng MTRCB.halaga ng P150,000.00 bawat isa.