Thursday , December 26 2024
agta ng Dabaw dumalo sa serbisyo fair
MGA agta ng Dabaw dumalo sa serbisyo fair. (GERRY BALDO)

Serbisyo caravan dinagsa sa Davao City

DAVAO CITY – Sa gitna ng kaguluhang bumabalot sa isang kulto rito, dumalo ang mga Dabaweños sa Serbisyo caravan na mahigit P1.2 bilyong halaga ng programa, serbisyo, at cash assistance ng pamahalaan ang ipagkakaloob sa mga residente ng lungsod at mga kalapit  na lugar.

Sa pagbisita ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ang pinakamalaking serbisyo caravan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., dala nito ang mga serbisyo ng 38 ahensiya ng pamahalaan at 57 programa at kasama ang nasa P1 bilyong tulong pinansiyal para sa mahigit 250,000 benepisaryo.

Sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, dumalo sa paglulunsad ng BPSF ang halos 200 miyembro ng Kamara de Representantes.

Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng BPSF National Secretariat at Mindanao Development Authority (MinDA). Tatawagin itong “MindaNOW: Serbisyo Para sa Mindanao.”

“Nakikita namin na very important and critical partner ang MinDA dahil sila ang makaga-guide sa amin kung saan namin ina-navigate itong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa far as Mindanao is concerned,” ayon kay Sofonias Gabonada, Jr., ang namumuno sa BPSF National Secretariat at House Deputy Secretary General.

Naging posible rin ang pagkakasa ng Davao City BPSF sa tulong nina Rep. Claudine Diana D. Bautista -Lim ng DUMPER PTDA Partylist, representative Atty. Margarita B. Nograles ng PBA Partylist, Rep. Sandro L. Gonzalez ng MARINO Partylist, at Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ng TINGOG Partylist.

“We would like to extend our thanks to the City Government of Davao for providing us with security and traffic management assistance,” dagdag ni DSG Gabonada, na ibinahaging may dumalong opisyal ng pamahalaang lungsod ng Davao sa lahat ng pulong ng BPSF at MinDA para sa serbisyo caravan.

Bahagi ng serbisyo ang patuloy na payout sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong lungsod ng Davao sa mga susunod na linggo

Bukod dito, magkakaroon din ng payout sa mga benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa loob ng dalawang araw ay mamamahagi ng kalahating milyong kilo ng bigas sa lahat ng benepisaryo sa lahat ng event.

Ang Davao City BPSF ang ika-23 sigwada ng seribisyo caravan sa bansa.

Ang unang BPSF ay naganap sa Monkayo, Davao de Oro na naganap sa nationwide launch noong Setyembre 2023 na sinundan noong Hunyo 2024  sa Tagum City, Davao del Norte. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …