Friday , January 3 2025
Duterte Gun

Itinuga ng police colonel
QUOTA SA DUTERTE WAR ON DRUGS KINOMPIRMA  
Reward sa mga pulis galing sa POGO, intel fund

ni Gerry Baldo

ISANG aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagkompirma na mayroong quota at reward system sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni P/Col. Jovie Espenido, ang pera na ibinibigay na reward sa mga pulis para sa kanilang mga napapatay ay nanggagaling umano sa intelligence funds at mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na idinaraan kay Sen. Christoper Lawrence “Bong” Go.

Si Espenido ay humarap sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes at isinumite ang isang sinumpaang salaysay na kanyang ikinuwento ang kanyang mga karanasan bilang hepe ng bayan ng Albuera sa Leyte at Ozamiz City sa Misamis Occidental.

“Even intelligence funds were used in the drug war. POGO money was also used. After these POGOs were able to register with the government, funding was funneled downward from the level of Bong Go,” sabi ni Espenido sa kanyang affidavit.

Isa sa pinakamalaking isiniwalat ni Espenido ang quota at reward system sa pulisya sa pagpapatupad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I confirm that there was a quota and reward system in the implementation of the war on drugs during the previous administration. I truly wanted to implement it without causing deaths. When the leadership imposed a quota of 50-100 per day, we only took it to mean that we had to knock on the doors of 50-100 households suspected of drug use or pushing,” sabi ni Espenido.

“I know that there was a reward of P20,000 per kill in the drug war. The funding came from operators of Small-Town Lottery (STL), or jueteng lords who give money to the police regional commanders, provincial commanders, down the line. The group or individuals who make the kill receive the money,” dagdag nito.

“The STL money is remitted directly to the RD or PD. The same goes for the so-called vigilantes. The flow of money was automatic,” saad ni Espenido.

Sinabi ni Espenido na ang kanyang misyon ay pasukuin ang mga drug suspect upang ma-rehabilitate.

“Nobody died during my stints in Albuera and Bacolod. I also made sure that the rewards my stations received are legitimate. For example, some LGUs would award P100,000 for successful arrests involving bigtime drug pushers. We accepted these to fund further operations,” aniya.

Ayon kay Espenido ang mga ‘bagmen’ ang nagdadala ng pera sa matataas na opisyal ng pulisya.

“I personally know some of the bagmen. Many PNCO (non-commissioned officers) who were my classmates were murdered. They were bagmen acting at the beck and call of regional and provincial directors,” sabi ni Espenido.

“When Duterte became president, these RDs and PDs pointed to their own bagmen when asked about police personnel involved in the illegal drug trade. In Cebu, a barangay captain was killed by an ex-army personnel who pretended to be a vigilante. This was established by CCTV,” dagdag nito.

Sinabi ni Espenido, mayroong pang mga ‘bagmen’ na buhay pa at handa siyang kausapin sila upang tumestigo sa imbestigasyon ng quad committee.

“Some of these bagmen are still alive and I can talk to them to convince them to also testify about what they know, quite a few are in hiding. I also know an intelligence officer who can disclose details of the drug war,” ani Espenido.

Ayon kay Espenido maaaring sabihin ng tinutukoy niyang indibiduwal ang pera na ginagamit na reward mula sa intelligence funds at POGO.

“The intelligence officer I mentioned can discuss this further. Those at the Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) are also conversant about the funding. They can help identify the police personnel who actually received money in exchange for kills in the course of the drug war,” sabi ni Espenido.

Nauna nang tumestigo si Espenido sa pagdinig ng House Committee on Human Rights na pinamumunuan ni Manila Rep. Bienvenido Abante kaugnay ng extrajudicial killings.

“I was not able to tell these things in the previous hearings held by the House of Representatives. All I was able to say is that there was violation of human rights in the implementation of the drug war,” pahayag ni Espenido sa kanyang affidavit.

About Gerry Baldo

Check Also

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

SA LOOB ng tatlong minuto mabilis na nagresponde ang mga bombero at ambulansiya sa multi-story …