Friday , November 15 2024
Raine Musngi Marie lozano Mai rodriguez Maiki Oreta

Marie Lozano pambato sa lifestyle ng Bilyonaryo News Channel

HEADLINER ang magandang Broadcast sweetheart na si Marie Lozano dahil siya ang bagong lifestyle program host ng Bilyonaryo News Channel, ang Lifestyle Lab.

Tatalakayin ng documentary-style show ang mga usapin ukol sa health, health and wellness, beauty, and fashion na may signature Bilyonaryo style of reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV kundi maging sa digital world din.

Ieere ang new episodes ng show tuwing Sabado, 10:00 a.m. na may replay ng 8:00 p.m. ng Linggo.

Mapapanood din sa Lifestyle Lab ang mga hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood. Ipakikita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din nito kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’ Mula sa beauty and cosmetic product reviews, aesthetic treatment and pharmaceutical therapies, to experimental fashion, grooming tips and beyond. 

Makakaasa ang viewers ng isang makabuluhang panoorin kasama ang glamorosang host na si Marie.

Samantala,  dadalhin naman sa larangan ng negosyo ng Bilyonaryo News Channel ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.

Maglalabas ang BNC ng bagong line-up ng mga programang tutugon sa kanilang followers sa pamamagitan ng mga business and corporate shows.

Ang mga bagong programa na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatuon sa mga pagbabalita ng news and significant stories

na nakaaapekto sa estado ng mga negosyo at ekonomiya, gayundin ang mga in-depth analysis and discussions kasama ang mga industry leaders and experts sa mga pangunahing issues and insights on corporate and public policy.

Si Maiki Moreta, veteran business broadcaster at founder ng socially oriented organization na dedicated sa pag-empower ng Filipino youth sa business ar entrepreneurship ang hahawak ng Kiddo-preneur program na Basis Point na mapapanood mula 9:30 a.m.-10:00 a.m. at ang Industry Beaconna eere naman tuwing 11:30 a.m.-12:00’p.m..

Ipakikita ni Oreta ang kahusayan sa business journalism at entrepreneurship to keep the investors on the loop on market’s movement and the events affecting it. Ang Basis Points ay magbibigay ng napapanahong update sa performance ng equities market at ang pinakabagong balita sa negosyo at ekonomiya. Habang ang 30-minute business talk show na Industry Beacon ay magpo-provide sa industry experts ng platform para kausapin ang iba’t ibang business chambers and leaders para sa  insightful discussions.

Nagbabalik naman sa Philippine television si Raine Musñgi, kilalang business news journalist at presenter  sa Follow The Money mula 10:30 a.m.-11:00a.m..

Mapapanood naman sa nasabing half-hour show ang masterclass in personal finance, na magbibigay sa mga manonood ng strategies para sa saving, earning at kung paano palaguin ang kayamanan sa pamamagitan ng magkakaibang paraan ng pamumuhunan.

Itatampok din sa Follow the Money ang mga top wealth and fund managers na magbibigay ng napakahalagang insight at gabay sa negosyo.

Ang seasoned news and public affairs anchor namang si Mai Rodriguez ang magho-host ng Pathways to Success na mapapanood Mondays to Fridays, 11:00 a.m.-11:30 a.m..

Sa naturang show ay bibigyan ng pansin ang iba’t ibang industriya na magpapakita ng mga bagong pananaw sa tinatawag na big players na humuhubog pagpapatakbo ng mga negosyo pati na rin ang mga MSME at social enterprise.

Mapapanood din sa bagong channel ang previous episodes ng Usapang Bilyonaryo ni Ces Drilonhabang inihahanda ang new season ng mga bagong programa.

Magkakaroon din ng teplays ang mga programa

para matiyak ang exposure ng mga ito na kapaki-pakinabang sa BNC core audience. Mapapanood ang replays ng 4:00 p.m. to 6:00 p.m. at 8:00 p.m. to 9:00 p.m. sa pareho ring araw ng broadcast. 

Mapanood sa mas malawak na audience ang BNC sa  September 9 sa free-to-watch television channel BEAM TV 31  (through digital TV boxes in Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, and Naga), and leading cable TV provider, Cignal Channel 24.

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …