Monday , September 9 2024
Francis Zamora Daniel Padilla Amanda Zamora Charm

Mayor Francis iginiit relasyong Daniel at Amanda ‘di totoo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI po totoo! My daughter has been single all her life.” Ito ang iginiit sa amin ni San Juan City Mayor Francis Zamora ukol sa pag-uugnay sa kanyang anak na si Amanda kay Daniel Padilla

Usap-usapan ang pangalan ng anak ni Mayor Zamora na iniuugnay kay Daniel matapos mag-viral ang isang video na magkasama umano ang dalawa na namamasyal sa mall.

Kaya naman nang magkaroon kami ng pagkakataong makatsikahan si Mayor Zamora noong Miyerkoles ng hapon sa  launching ng CHARM ni Dr. Joel Lopez sa Greenhills Shopping Mall, San Juan, agad naming inusisa ito. 

Isa si Mayor Zamora sa mga naging guest of honor sa event kasama ang sina Cory Quirino, Kata Inocencio at marami pang iba.

Panimula ni Mayor Zamora, “Ang aking anak ay nali-link kay Daniel Padilla so, bilang isang ama, gusto kong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo ‘yan.

“My daughter has been single all her life, sa totoo lang. Kahit hindi kayo maniwala, alam ko ‘yan. She’s 23 years old. She’s now focused on her studies.

“In fact, nasa America siya ngayon sapagkat sa September ay magsisimula na siya sa kanyang masters in Marketing Intelligence, sa Fordham University.

“So pagka-graduate niya noong early part of this year from De la Salle University, nag-aral siya sa UCLA ng isang program in finance at sa September ay magsisimula na ang kaniyang masters. So hindi po totoo ‘yun.

“In fact, alam ko na inili-link nga siya ng ibang mga tao. Pero bilang isang ama, ako na ang magsasabi na hindi totoo ‘yan. So, kung mayroon mang mga taong nagsasabi na may relasyon sila, ako na nagsasabi na hindi ‘yan totoo,” sunod-sunod na wika ng mayor.

Sinabi pa ni Mayor Francis na totoong malapit siya sa pamilya ni Daniel dahil kaibigan niya si KarlaEstrada, ina ni Daniel. 

Ibinahagi pa ng San Juan mayor na siya ang nag-officiate ng kasal ng kapatid ni Daniel na si JC.


“Ako na nagsasabi talaga, si Daniel is a good friend. Kaibigan ko siya. Ang kanyang pamilya kaibigan ko. Tumayo rin akong ninong ni JC noong ikinasal siya. At si Karla ay matalik kong kaibigan.

“Si Amanda, my daughter, and si Daniel are not linked in any way. Hindi sila. Kumbaga, wala pong katotohanan ‘yan,” giit pa ni Mayor Zamora.

Ang friends talaga, ako at si Daniel. Amanda has always been just a fan noong bata pa siya. In fact, I remember, sinasamahan ko si Amanda kapag may events si Daniel noong batambata pa si Amanda.

“Naalala ko pa noong sinamahan ko siya, it was an Oishi event a long, long time ago. Probably she was maybe 14, 15 years old back then. Magkakilala lang siguro sila in a way na dahil kaibigan ko si Daniel at anak ko si Amanda,” sabi pa.

Iginiit pa ng mayor na hindi pa nagkakaroon ng karelasyon ang anak. Kumbaga, NBSB o no boyfriend since birth.

“Si Amanda has been single all her life. So totoo ‘yan. I’m surprised, as her father, that at her age now, single pa rin siya.

“Kasi very independent minded and marami siyang gustong gawin sa buhay. Kung naalala ninyo, ‘yung one and only major exposure niya sa showbiz maybe then was through ‘Pinoy Big Brother.’

“Tapos after that, nagkaroon siya ng movie, ‘yung ‘Connected’ under Star Magic. Then after that, medyo nag-lay low na rin siya. It’s because she’s focusing on her studies. Gusto niya kasi na magkaroon ng isang career sa marketing kaya nga siya nag-aral sa ibang bansa. And I’m proud of my daughter.

“And again, as she decided to remain single, I respect that kasi mas gusto ko rin na makatapos siya ng masters niya. Kasi kung ano man ang gusto niyang tahakin pagkatapos ng kanyang pag-aaral.

“Iba rin na nakapagtapos siya ng higher education such as Masters in Marketing Intelligence in a very prestigious university which is Fordham University na kilalang kilala sa buong mundo,” pagbabahagi pa ni Mayor Francis.

Magkasosyo rin pala sina Daniel at mayor Francis at iba pang celebrities sa District 8 bar and resto sa Greenhills.

“I’m aware that there are some showbiz personalities who are trying to link them together. Hindi po totoo ‘yan,” muling pagkaklaro ni mayor.

 “Wala pong katotohanan ‘yan at kung mayroon mang nagsi-circulate na pictures, trying to make it appear as if sila, ako na ang nagsasabi na hindi totoo.

“Si Daniel Padilla ay kaibigan ko since 2017 at nagbukas nga kami ng negosyo  ‘yung District 8 and we remain good friends.

“That’s why I was very honored na ako ang napili ng kanilang pamilya na mamuno ng kasal ni JC at kinuha rin akong ninong. Si Karla Estrada ay matalik na kaibigan, of course si Daniel kaibigan ko rin. Ang kaibigan ni Amanda si Magui sa totoo lang. Si Magui ang kaibigan niya,” sabi pa ng alkalde.

Natanong naman si Mayor Francis sakaling manligaw si Daniel, boto ba siya? “Hindi naman kasi alam n’yo, kung alam naman nating hindi totoo, kumbaga hindi na para pagtuunan pa ng pansin.

“Kasi alam naman namin na hindi totoo. And I know because if it were true, which I’m telling you it’s not, I would have somehow been involved in talking to both of them or to Daniel. Pero hindi talaga, eh,” nakangiting wika pa ng mayor.

Samantala, napakaganda ng  CHARM ni Dr. Joel Lopez MD na matatagpuan sa South Wing Atrium, Greenhills Shopping Mall sa San Juan dahil napakarami nilang services na ino-offer na tiyak kaiga-igaya para matiyak ang ating mga kalusugan. 

“CHARM stands for Center for Healthy Aging and Regenerative Medicine. We are dedicated to helping you embrace the beauty of healthy aging and regenerative medicine. Out approach combines the art of aesthetic enhancement with the science of rejuvenation,” ani Dr. Joel.

Isa sa ipinakitang ginagawa sa clinic ng Charm ay ang OligoScan. Ito ang revolutionary method na tine-test ang mineral status at potential heavy metal toxicity. 

Pinag-usapan din ang ukol sa healthy aging, sa kung paano ba ang tamang mga gawi sa healthy pa rin habang nagkaka-edad. Siyempre kasama riyan ang pagpapanatili ng physical, mental, at emotional well being habang nag-a-adapt sa natural changes habang nagkaka-edad.

Our team of experts understands the unique needs and desires of individuals who wish to age gracefully and we offer personalized solutions to help you look and feel your best at every stage of life,” sabi pa ni Dr. Joel. 

ibinahagi rin ni Doc Joel ang ukol sa regenerative medicine na isang cutting edge filed na nagha-harness sa body’s natural healing abilities na nagre-restore at nagre-regenerate ng damaged tissues.

We aim to optimize your body’s regenerative potential by leveraging innovative treatments and techniques. Whether you seek to improve the appearance of your skin, enhance joint function or promote overall wellness, our regenerative medicine services can help unlock your body’s innate ability to heal and rejuvenate,” dagdag pa.

Sa huli iginiit ni doc Joel na, “We believe that healthy aging and regenerative medicine go hand in hand. Our goal is to empower you to live life to the fullest, embracing the beauty and vitality that come with each passing year.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

 GLOBE’S biggest customer loyalty event of the year, GDay, is back. This annual flagship campaign will …

Mavy Legaspi Jackie Lou Blanco

Komento ni Jackie Lou sa post ni Mavy minasama ng ilang netizen

MA at PAni Rommel Placente NITONG Lunes, September 2, nag-post ng larawan si Mavy Legaspi sa kanyang Instagram page. …

Piolo Pascual

Piolo ibinahagi sikreto ng gwapo at yummy look

MA at PAni Rommel Placente MARAMING nakakapansin na hindi tumatanda ang hitsura ni Piolo Pascual, kahit …

Kyline Alcantara Kobe Paras

Kobe may pa-birthday surprise kay Kyline sa NYC

I-FLEXni Jun Nardo PROUD na ipinagmalaki ni Kyline Alcantara ang pagsasama nila ni Kobe Paras sa birthday celebration nila …

Iya Villania Drew Arellano Kristine Hermosa Oyo Sotto

Kristine nakabuo ng volley team, Iya may basketball team naman  

I-FLEXni Jun Nardo IPINANGANAK na ni Kristine Hermosa ang ikaanim na baby nila ni Oyo Sotto. Halos kasabay …