BINISTA at pinarangalan ni Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez Dizon ang dalawang pulis na sina PCpl Junel Campomayor ng 9SAB,SAF at si PCpl Madrigal Gratela ng CIDG-Albay PFU na kapwa sugatan nang nauwi sa enkwentro ang naganap na pagsisilbi ng Search Warrant laban sa bahay ng tinaguriang Dasmo Brothers sa paglabag sa kasong RA10591 sa Barangay Basicao Coastal Pio Duran Albay.
Pinarangalan ng medalya ng sugatang magiting at medalya ng kadakilaan ang dalawang pulis dahil sa kanilang dedikasyon at katapangan sa pagtupad ng tungkulin. Nagabot rin ng munting tulong si RD DIZON sa dalawang sugatang pulis.
Kaugnay nito, Paalala ng Butihing Regional Director sa mga Pulis-Bicol na palagiang iprayoridad ang ibayong pagiingat at humingi ng gabay sa poon maykapal sa araw-araw na pagtupad sa tungkulin.
(BRIAN BILASANO)