Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes 40th PMPC Star Awards For Movies Maricel Soriano

Gladys sunod-sunod ang natatanggap na pagkilala

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA kami para sa aming kaibigang si Gladys Reyes dahill sunod-sunod ang pagtanggap niya ng acting awards.

Last year ay itinanghal siyang Best Actress sa first Summer Metro Manila Film Festival dahil sa mahusay ba pagganap bilang si Nita, sa pelikulang Apag, na pinagsamahan nila nina Coco Martin. Lito Lapid, Shaina Magdayao, Mercedes Cabral, ang namayapang Jaclyn Jose, among others.

Sa nasabing pelikula, ay kakaibang Gladys ang napanood. HIndi siya nagtaray. Subdued ang akting. Talagang mahusay siya sa Apag, kaya naman win nga siya bilang Best Actress.

Sa 7th Eddys, na ginanap noong July 7, wagi muli si Gladys bilang Best Supporting Actress para rin sa pelikulang Apag. O ‘di ba, nakadalawang acting awards siya para sa Apag.

Noong dumalo siya sa 7th EDDYS, ay hindi naman siya nag-expect na mananalo.  Kaya  naman talagang super happy siya na sa kanya ipinagkaoob ang Best Supporting Actress trophy ng samahan ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

Sa  katatapos lang na 40th PMPC Star Awards For Movies, na ginanap noong Linggo, July 21 sa Henry Lee Irwin Theater, si Gladys din ang itinanghal na Movie Supporting Actress of the Year para naman sa pelikulnag Here Comes The Groom. O, ‘di ba, talagang panahon ngayon ng mahusay na aktres sa pagtanggap ng mga acting awards. 

in fairness, isa talaga si Gladys sa mga pikamahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon. At naniniwala kami na madadagdagan pa ang acting awards niya in the future.

‘Di ba mommy Zeny?

Ang aming idolo naman na si Maricel Soriano, na itinanghal na Movie Actress of the Year, na triple tie sina Vilma Santos at Nora Aunor, ay super happy din sa muli niyang pagtanggap ng Movie Actress of the Year trophy sa  Star Awards For Movies. Sabi nga ng Diamond Star, hindi niya inaasahang mananalo siya, dahil mahihigpit ang mga nakalaban niya sa nasabing category.

Ito ang pangalawang Best Actress award ni Maricel sa Star Awards For Movies. Una siyang nanalo noong 1995 para sa pelikulang Separada.

Samantala, noong dumating sa awards night si Ate Guy, ay talagang pinagkaguluhan, lalo na ng kanyang mga tagahanga, na hanggang ngayon, ay solid pa rin ang ipinakikitang pagmamahal.

To Gladys, Maricel, at Ate Guy, our congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …