BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong bunsod ng malakas na pag-ulan dahil sa paghagupit ng Bagyong Carina.
Maagap na nagikot si Mayora Lacuna sa ilang lugar sa lungsod upang personal na makita ang sitwasyon at bisitagin ang mga residenteng apektado ng baha partikular na ang nga senior citizens.
Maagap rin nia inatasan ni Lacuna ang MDRRMO sa pamumuno ni Arnel Angeles na tiyaking ligtas ang mga residenteng nakararanas ng mga mataas na pagbaha, Inalerto rin ni Lacuna ang Manila Social Welfare Department sa ilalim ng pangangasiwa ni Re Fugos at Manila Health Department sa pamumuno ni Dr Poks Pangan at pinakilos rin ang city run hospitals sa anim na distrito sa lungsod na maging handa para umasiste sa kinakaharap na sitwasyon.
Samantala, Umani naman ng pasasalamat ang mabilis na aksyon ni Mayora Lacuna bilang kaniyang malasakit at pagkalinga sa mga kapwa Manileño. (BRIAN BILASANO)