Saturday , September 7 2024
Kelley Day

Kelley Day magiging aktibo na; dahilan ng pagkawala sa showbiz ibinahagi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUKI ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) si Kelley Day dahil dalawang beses na itong naging presentor. Kaya naman nakatutuwang malaman na magiging aktibo na muli ang dating Showtime’s GirlTrends sa showbiz matapos magkaroon ng problema sa kalusugan.

Nagkaroon kami ng pagkakataong makatsikahan si Kelly kasama ang bago niyang manager ngayon na si Ms Len Carillo ng 3:16 Media Network at doon ay naihayag nga nito ang dahilan ng pagkawala niya sa showbiz.

Anang Miss Eco Philippines (Miss World 2019) at Miss Eco International 2021 1st Runner Up, nawala siya sa showbiz dahil,  “Na-hospital ang dad ko for two and a half months dito sa Philippines. ‘Yung nerves niya became sensitive. Very rare ‘yung sakit niya. Inalagaan ko siya and my mom. Na-ICU siya.

“After all of that, noong nag-start na siyang mag-recover, bigla akong nag-faint sa room niya. Bigla na lang ako nag-panic attack,” pagtatapat ni Kelly at na-diagnosed nga siya na may panic disorder at adjustment disorder.

“All at once siya. It took me like a year and a half. I did not go out for 10 months. I couldn’t drive. I couldn’t go to the mall. I was locked down for myself for like almost one year. 

“After 10 months, I did my first driving na three-minute drive. When I was successful with that, I started crying kasi I was so happy kasi akala ko noong time na ‘yun that I will never be able to drive or go out. I was so scared talaga to go anywhere,” pagbabahagi ni Kelley.

“Sabi ng doctor ko, it’s a buildup. I think ‘yung breakthrough ko was when na-hospitalize ‘yung dad ko. ‘Yung adrenaline mo kapag mataas, tapos it will drop, survival mode eh. Then noong naging okay na ‘yung dad ko, nag-drop ‘yung adrenaline then that’s when it can trigger some changes in your chemicals,” pagbabahagi ng magandang dalaga ukol sa kanyang kalagayan noon.

Sumailalim siya sa cognitive behavioral therapy na nakatulong sa kanya, “rewire the way that you think about things and not to fear them.

“There’s an improvement. I have a medicine that I bring with me everywhere. If I don’t have it, medyo nagpa-panic ako. Accessible siya,” aniya.

At ngayon masayang ibinalita ni Kelley na, “I’m much better na. I always remember the things that my doctor told me how to ground myself. For the last year, wala nang severe attack.”

At ngayong okey na si Kelley, magiging aktibo na siyang muli sa showbiz. 

Aniya, nais niyang maging aktibo sa paggawa ng pelikula at sa telebisyon. At dahil uso ngayon ang paggawa ng mga sexy movie natanong din ito kung G ba siya?

“I plan to venture into movies and teleserye. Kung magpa-sexy, okay lang. Siguro if may experience na ako sa acting. Ayaw ko naman na basta maghubad lang. I have my own personal limitation. Open naman ako to explore my acting ability.

“Kaya kong mag-backless. Kung magbibihis ako okey lang pero sa love scene, hindi okey. 

“May boyfriend ako ngayon pero he’s very supporting and I just want to keep the purity of our relationship.”

Nabanggit din ni Kelley nang usisain ang ukol kay Inigo Pascual. 

Anito, six months ang naging relasyon nila. “It started when nag-tweet si Inigo, sabi niya this is my crush.

“Sobrang bait niya. Ipinakilala niya rin ako kay Tito Piolo (Pascual). But Piolo is not my type.

“Tito Piolo ang tawag ko sa kanya because there is a level of respect,” sabi pa ni Kelley.

Bukod sa acting, gusto rin niyang ituloy ang pagsali sa mga beauty pageant. “Gusto ko ang Bb. Pilipinas. I want Miss International. I wanna be sure na ready na ako.

“Twenty seven na ako, puwede pa ako sa Binibini,” sabi pa ng magandang alaga ni Len.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Juan Luna Isang Sarsuela

Juan Luna: Isang Sarsuela napapanahong panoorin, depresyon at sakit sa isip tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo WALA kang itulak kabigin. Lagi na. Tuwing manonood ako ng dula …

Rey Coloma

AMHUMAN Annual Worldwide Award Best of the Best Gala Night ni Direk Rey Coloma, gaganapin sa Sept 8, 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Direk Rey Coloma ay isang kilalang personalidad sa industriya ng  pelikula at terapyutika. …

Willie Revillame Boobsie

Willie may ibinulgar sa totoong pagkatao ni Boobsie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HALOS naiyak din ako sa naging rebelasyon ni Willie Revillame patungkol kay Boobsie, isa …

Martin Nievera

Martin kumasa rin sa Maybe This Time dance craze

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAAALIW naman ang concert King na si Martin Nievera dahil game na game …

James Reid Liza Soberano Jeffrey Oh

Liza iniwan na ang Careless Music?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING mga supporter ni Liza Soberano ang nag-tag sa amin ng umano’y socmed …