Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang isang Vic Sotto para maging endorser nila.

Noong Martes, inilunsan ng Playtime, lumalagong online gaming platform sa bansa, si Vic bilang opisyal na endorser nito.

Sa photo at video shoot, sinamahan si Bossing Vic ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda na pataasin ang karanasan sa online gaming ng mga manlalaro nito at para magkaroon ng walang limitasyong kilig habang naglalaro sa mga online games.

Sa mahigit apat na dekada niyang karera sa Philippine entertainment scene mula sa paghahari sa noontime TV show ratings na may mga exciting na laro at paligsahan sa Eat Bulaga! natural na kay Bossing Vic ang pagpapalawak at paggawa ng mas malakas na presensya online at tanggapin ang hamon bilang hari ng multi-media entertainment.

Tunay na nakakabagbag-damdamin at isang pribilehiyo na ipagpatuloy ang aking misyon na magdala ng saya, libangan, at kaligayahan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino, anumang oras at kahit saan, sa pamamagitan ng PlayTime,” masayang wika ni Vic na nagnanais pang mapalawak ang kanyang audience sa digital media.

Ngayong kasama na si Vic bilang endorser ng PlayTime, mas magiging masaya ang mga manlalaro sa mahigit 2,500 larong pagpipilian, ang pinakamalaking game bank sa uri nito. Nagbibigay din ang PlayTime ng pinakamahusay na online gaming experience na may garantisadong pinakamataas na cashback online gaming platform sa bansa, na hanggang 2% na mas mataas kaysa iba pang lisensyadong platform, at garantisadong withdrawal sa loob ng 10 minuto, na may Php1,000 na garantiya para sa anumang naantalang order. 

Ang PlayTime ay nagdadala ng parehong mataas na stake na kasasabikan sa 10 milyong manlalaro nito at patuloy na lumalaki. Para sa mga nagsisimula,  makatatanggap sila ng libreng bonus na nagkakahalaga ng Php3,875.

Hindi lang puro laro ang Playtime dahil nakipagtulungan din sila sa Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) at sponsor sa 60th Binibining Pilipinas.

Para sa walang kapantay na karanasan sa online gaming, ang PlayTime ay madaling ma-access sa pamamagitan ng GCash, Maya, o www.playtime.ph, na ang bawat sandali ay puno ng saya at bawat piso ay naglalapit sa isa sa panalo ng malaki at kumita ng higit pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …