MA at PA
ni Rommel Placente
NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here Comes The Groom, na talagang pinuri ang akting niya.
Kaya naman kung may offer sa kanya para sa isang BL (Boy’s Love) project, game siyang gawin, kung talagang maganda at makai-inspire sa mga manonood.
Kuwento ng aktor, bago pa man nauso ang mga BL series sa Pilipinas, may naisip na raw siyang tema at konsepto noon para gawing pelikula.
Nai-pitch pa nga raw niya ito sa isang kaibigang executive, ngunit hindi nag-materialize. Sey ni Enchong, baka raw hindi pa iyon ang tamang panahon para gumawa siya ng BL project.
At kung papipiliin sa mga sikat at magagaling na aktor sa bansa para makasama sa proyekto, nabanggit niya ang pangalan nina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, at Alden Richards.
Samantala, todo pasalamat pa rin si Enchong sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS para sa pelikulang GomBurZa.
Sabi ni Enchong, “Being part of Gomburza is already such a win, simply because maraming magagandang bagay na sunod-sunod na nangyari after GomBurZa…from Cedrick (Juan), to Tito Dante (Rivero), to Piolo (Pascual), to myself, panalong-panalo na siya.”
Para kay Enchong, malaking karangalan sa kanya ang manalo ng best supporting actor, “To be recognized by, specifically by the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang laking bagay kasi ito ‘yung mga taong kaakibat mo, everytime na nagpo-promote ako.
“So, it matters to me kasi these are the people na kasama namin when it comes to spreading the words with our new projects.
“‘Yung panalo kahapon, hindi ibig-sabihin panalo ngayon, so I just have to keep working. And I’m very grateful to the members of the SPEEd because it’s an added inspiration for me to do better in the next projects,” aniya pa.