Sunday , September 8 2024
James Reid Liza Soberano

James inihayag Liza maraming nakalinyang projects

MA at PA
ni Rommel Placente

MALAKI raw ang posibilidad na gumawa ng pelikula sina James Reid at ang talent niya sa Careless management na si Liza Soberano. Taong 2018 pa sa pelikulang Never Not Love You ang huling pelikulang ginawa ng aktor sa Viva films, kasama ang dating nobya na si Nadine Lustre

Matagal tagal na rin naman daw siyang namahinga sa pag-arte. Halos anim na taon na rin naman ang kanyang huling acting project. 

“I didn’t quit. I just wanted to do music first because I left that kind of show business, being in a love team and everything,” sabi ni James.

Ibig sabihin ay hindi niya isinasara ang pinto na umarte muli. Nang tanungin siya ng movie project kasama si Liza, mabilis niyang tugon ay malaki raw ang posibilidad na ito. 

Samantala, nang tanungin kung kumusta na ang aktres sa pangangalaga ng Careless management, sinabi niyang proud siya  kay Liza dahil maraming nakaline – up na projects at patuloy pa rin ang pag-audition sa Hollywood.

About Rommel Placente

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, …