Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sinag Maynila 2024 Film Festival

MoA para sa Sinag Maynila ‘24 Film Festival nilagdaan

SELYADO na ang isang memorandum of agreement (MOA ) sa pagitan ng Solar Entertainment at ng Lungsod ng Maynila para sa isang linggong film festival na gaganapin sa buwan ng Setyembre sa mga piling sinehan sa National Capital Region (NCR).

Naroon sa ginanap na signing ceremony sa City Hall sina Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Solar President and CEO Wilson Tieng, director Brillante Mendoza, congressman Irwin Tieng, at si Manila Tourism chief Charlie Dungo.

Nangako si Lacuna na lahat ng suporta ay ibibigay ng lungsod para sa tagumpay ng independent festival na may temang “Sine Lokal, Pang-International” na nakatakdang ipalabas sa mga piling sinehan sa Maynila mula 4  Setyembre hanggang 8 Setyembre 2024.

Sinabi ni Dungo, nataon ang agreement signing sa selebrasyon ng buwan ng turismo sa lungsod.

Nabatid sa alkalde na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay laging nakahandang magbigay sa industriya ng pelikula ng kinakailangang nitong “boost” na dati nang nai-enjoy noong bago pa magkaroon ng pandemya.

Sa bahagi niya, sinabi ni Wilson, lahat ng entries ay tatanggapin pa rin habang ang deadline ay nakatakda sa 24 Hulyo 2024.

Nabatid na ang lahat ng admission fees sa mga participating cinemas ay mas mababa sa P200 upang mahikayat ang mga manonood na tangkilikin ang nasabing festival.

Ipinaliwanag ni Wilson na ang dahilan kung bakit niya pinili ang Maynila bilang venue ng festival dahil siya ay isang true-blue Manileño, ipinanganak at lumaki sa Binondo. Pamangkin ni Mayor Lacuna-Pangan  si congressman Irwin Tieng, na kinatawan ng Fifth District ng Maynila. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …