Sunday , December 22 2024
Richard Gomez Vilma Santos

Richard Gomez suportado si Ate Vi para maging National Artist

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Biyernes, Hunyo 28, ay nagkaroon ng mediacon ang Aktor PH (League of Filipino Actors) na pinamumunuan ni Dingdong Dantes para ihayag ang nominasyon nila kay Vilma Santos  para maging National Artist.

Suportado ni Congressman Richard Gomez ang nominasyon sa Star for All Seasons para maging National Artist.

Sabi ni Cong. Richard sa interview sa kanya, “OK naman si Ate Vi. Ang laki ng body of work ni Ate Vi. 

“Ang laki ng contribution niya sa movie industry. At saka malaki rin ang naitulong niya noong siya ay naging governor.”

Dagdag ni Cong. Richard, “Ang dami niyang natulungan, ang dami rin niyang naturuan sa movie industry.

“So these are some of the criteria for National Artist. Kung tatanungin mo ako, karapat-dapat bang ma-nominate si Ate Vi?

“Karapat-dapat… Talagang magaling na artista si Ate Vi. Very inspiring.”

Sina Cong. Richard at Ate Vi ay nagkasama sa pelikulang Tagos ng Dugo (1987), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas (1987), at Yesterday, Today & Tomorrow (1986).

Speaking of Ate Vi, nominado siya for Movie Actress of the Year sa 40th PMPC Star Awards for  Movies na gaganapin sa July 21 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang When I Met You In Tokyo.

Maiuwi kaya ng mommy ni Luis Manzano ang Movie Actress of the Year trophy? ‘Yan ang ating aabangan.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …