Sunday , May 11 2025
Jennylyn Mercado

Paglipat ni Jennylyn sa ABS-CBN pinabulaanan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang X account, pinabulaanan ni Jan Enriquez, general manager ng Aguila Entetainment, na pag-aari ng mag-inang Becky at Katrina Aguila, na siyang humahawak sa career ni Jennylyn Mercado, na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na iiwan na ng aktres ang GMA 7, na siyang nagpasikat sa kanya.

“NAKAKAALARMA na talaga ang fake news!” post ni Jan sa kanyang X account.

Sabi pa ni Jan, “Nakakaalarm na talaga fake news na ganito… safest to rely on legitimate news sources like Inquirer, Star, ABS, GMA etc. Journalism is a profession. ‘Wag tayo magpapaniwala agad. Always fact check.”

Nag-ugat ang espekulasyong ito nang hindi nakasama si Jennylyn sa shoot para sa bagong GMA 7station ID.  Dito kasi ibinabatay ng netizens kung konektado pa ang artista sa network.

Inabot naman ng mahigit sa 1,000 ang views sa post na ito ni Jan sa X account niya at may 20 retweets.

Samantala, may isang netizen din ang nagtanong kay Dennis Trillo na asawa ni Jennylyn , na kung lilipat na ito sa ABS-CBN, dahil nga sa hindi nito pagkakasama sa station ID ng GMA 7. Ang sagot  umano ni Dennis ay, “May ABS pa ba?”

Maraming nagulat sa sagot na ito ng aktor dahil alam ng lahat na in good terms si Dennis sa mga taga-Kapamilya Channel lalo’t gumawa siya ng pelikula sa Star Cinema ng ilang beses.

Nagbigay din ng reaction dito si Jan. Sabi niya, “We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA.

“We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …