Friday , November 15 2024
shabu

Higit P30-M shabu nasamsam sa QC

UMABOT sa P30,391,322 halaga ng ilegal na droga ang nakompiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa 576 anti-illegal drug operations mula Abril hanggang Hunyo 2024 sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Redrico A. Maranan, ito ay malaking pagtaas kompara sa parehong panahon noong nakaraang taon, kung saan 509 operasyon ang isinagawa, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 883 suspek at pagkakakompiska ng P23,558,170.80 halaga ng ilegal na droga.

Kabilang sa mga nakuhang substance ay marijuana kush, at shabu.

Nanguna ang District Drug Enforcement Unit (DEU), na nagsagawa ng 15 operasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 22 suspek at pagkakakompiska ng P5,807,200 halaga ng ilegal na droga.

Sinundan ito ng Batasan Police Station (PS 6), na nagsagawa ng 86 operasyon, na humantong sa pagkakaaresto sa 134 suspek at pagkakasamsam ng P5,555,996 halaga ng ilegal na droga.

Malaki rin ang kontribusyon ng Novaliches Police Station (PS 4) sa 78 operasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 108 suspek at pagkakasamsam ng P3,071,574 halaga ng ilegal na droga.

Lahat ng mga naarestong suspek ay kinasuhan ng mga paglabag sa RA 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …