Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA 7, natanong siya kung sino ang award-winning actress at older sa kanya na ini-stalk niya noon dahil tinamaan siya nang husto?

Kahit ako nakalimutan ko na ‘yan, ah,” sabi ni Gary.

Pero natatawang pag-amin niya, “Si Dina. Alam naman ng lahat, eh.”

“Siyempre, si Dina Bonnie ‘yon. Sino ba naman ako?”

Nakasama niya si Dina sa pelikulang pinagbidahan niya noon na naging dahilan para magkagusto siya rito.

I was very lucky because noong nag-start ako, the role wasn’t… ‘yung movie namin, ‘yung ‘Tag-Araw, Tag-ulan,’ actually, that was not for me ‘yung role,” kuwento ni Gary.

Patuloy ni Gary, “It was offered to somebody else at first. Tapos hindi tinanggap.

“Buti na lang pumayag pa rin si Dina na gawin ‘yung film.”

Hindi binanggit ni Gary kung ginawa niya ang pelikula bago o pagkatapos siyang maging stalker ng aktres.

Bago pa ang pag-amin ni Gary na naging stalker siya noon ni Dina, nauna nang ikinuwento ng award-winning actress ang ginawang pang-i-stalk sa kanya noon ni Gary nang mag-guest siya sa vlog ni Snooky Serna.

Sabi ni Dina kay Snooky, “Do you know that Gary used to stalk me?

“Nagkita kami sa gym and then nakita niya ako. He started giving me and giving me ‘yung weights.

“’Tapos tingin siya nang tingin sa akin. Sabi ko, ‘Excuse me, are you working out your eyes?’ Kasi tingin siya nang tingin, imbes na ‘yung body.”

Patuloy raw siyang binuntutan ng aktor habang nasa gym.

“Aba, sinundan niya ako hanggang sa… nakailang ano na ako sa gym, palagi siyang andoon.”

Hindi raw natapos doon ang pagsunod sa kanya ni Gary.

Hanggang sa ayun na, sinusundan na ako sa bahay.

“Sabi ko, ‘Why do you keep following me? Aanhin kita, ang bata-bata mo? ‘Di kita puwedeng maging boyfriend, okay? Okay?’

“Sabi niya sa akin mahal na mahal niya ako at magpapakamatay siya.

“Gusto pa nga niyang maglaslas sa bahay ko.”

Hindi naman natakot si Dina sa ginawang banta ng aktor na sasaktan ang sarili.

Sabi ko, ‘Sige, hetong kutsilyo, magpakamatay ka, ha? ‘Pag hindi mo itinuloy, hindi ka na makababalik.’ Kasi napuno na ako.

“Sabi ng yaya ko, ‘Wag mo namang ganyanin si Gary, Dins,’” sundot ni Dina, na natawa sa kanyang pagbabalik-tanaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …