Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PA
ni Rommel Placente

INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong kasi ng mga netizen, bakit wala si Joshua sa kasal ng dalawa, na ginanap noong Linggo, June 9 sa isang resort sa Cavite.

Nagkapareha sina Joshua at Charlie sa Kapamilya teleseryeng Viral Scandal noong 2021.

Si Carlo naman ay makakasama ni Joshua sa upcoming Philippine adaptation ng South Korean drama series na It’s Okay to Not Be Okay, na gaganap silang magkapatid.

Akala tuloy ng iba ay hindi okay si Joshua sa mag-asawa, pero ang totoong dahilan ay may shooting that time ito sa Quezon City.

Nagsimula na ang shooting ng comeback movie nina Joshua at Julia Barretto na ‘Un/Happy For You na dahilan nga kung bakit hindi nakadalo ang aktor sa nasabing kasalan.

Sunod-sunod na ang shooting nila ng Un/Happy For You dahil sa August 14 na ito ipalalabas sa mga sinehan.

Hindi rin nakadala si Joshua sa premiere night ng isa pa niyang movie dahil may shooting sila ni Julia  sa Bicol. 

Busy lang talaga si Joshua sa shooting ng pelikula nila ng dating ka-loveteam at girlfriend kaya nga hindi ito nakadalo sa kasal nina Carlo at Charlie. Huwag na sana siyang intrigahin na inisnab niya ang kasal ng newly wed.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …