Monday , June 24 2024
Alexis Castro Bulacan

Vice Gov ng Bulacan ginawaran ng prestihiyosong parangal

GINAWARAN ng parangal si Bise Gobernador Alexis C. Castro ng Bulacan bilang Distinguished Icon in Public Service 2024 sa idinaos na Asia’s Golden Icon Award sa Grand Ballroom ng Okada Manila noong 31 Mayo 2024.

               Ipinamalas ni Castro ang matibay na pamumuno sa kanyang mga nasasakupan bilang pinuno ng konseho ng lehislatura at bilang tagapangulo ng Committee on Social Services.

Kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga programa sa pag-unlad ng kabataan partikular sa larangan ng palakasan, nanguna si Castro sa iba’t ibang mga inisyatiba para sa kapakinabangan ng mga kabataang Bulakenyo.

Kinilala rin siya bilang pinakabatang bise gobernador ng Bulacan at ang unang nagtatag ng action centers sa Santa Maria, Marilao, at sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Binati at pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Castro dahil sa kanyang kahanga-hangang serbisyo publiko.

“Congratulations, Vice Governor Alex Castro. Thank you for your unwavering public service. Mabuhay ka,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation …

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba …

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa …

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …