Thursday , June 4 2026
npa arrest

Rebeldeng NPA sumuko sa Bulacan cops

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa.

Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), kinilala ang sumukong si alyas Ka Tony, 53, tricycle driver, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), na kumikilos sa mga baybaying bahagi ng Bulacan, Pampanga, at Bataan.

Napag-lamang si alyas Ka Tony ay nakumbinsing sumapi sa nabanggit na grupo ng mga rebelde dahil sa sinabi ng mga namumuno nito na  kinakailangan ang reporma sa gobyerno.

Ayon kay P/Lt. Colonel Reyson M. Bagain, ang Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), nagtulong-tulong ang pinagsamang elemento ng 1st PMFC, kasama ang Malolos CPS, Bulacan PIU, 301st MC RMFB, at 70IB PA sa  pagsuko ng nabanggit na rebelde.

Isinuko rin ni alyas Ka Tony ang isang cal. .38 revolver na may serial number 66010, at tatlong 3 pirasong bala ng cal .38.

Ang sumukong miyembro rebelde ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa imbestigasyon at custodial debriefing.

Sinabi ni PD Arnedo na lalo nilang pinaigting na kampanya laban sa insurhensya at terorismo upang matiyak ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan, mga oportunidad sa trabaho, at isang pinabuting kalidad ng buhay sa mga komunidad na nakararanas o apektado sa armadong labanan ng komunista. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …