Thursday , June 25 2026
Barbie Forteza David Licauco

David-Barbie friendship nakatulong sa mga sweet na eksena  

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABENG kilig ang hatid ng kauna-unahang pelikula ng tambalang Barbie Forteza at David Licaucona That Kind Of Love na produced ng Happy Infinite Productions and distributed by Regal Entertainment at idinirehe ni Catherine Camarillo.

Sa naganap na grand mediacon ng That Kind Of Love, sinabi nina Barbie at David na malaking factor sa tagumpay ng kanilang loveteam ang pagiging malapit nilang magkaibigan kaya wala ilangan pagdating sa mga sweet na eksena sa mga proyekto nilang pinagsasamahan.

Pag-amin ni David, marami siyang natutunan kay Barbie pagdating sa pag-arte dahil alam naman nito kung gaano kahusay na artista ang aktres.

At habang tumatagal ay nakikita ni Barbie ang growth ni David  bilang actor. Mas  humuhusay ito ngayon na makikita sa kanilang pelikula at sa GMA serye na Pulang Araw.

Sa That Kind Of Love ay tripleng kilig ang mararamdaman ng manonood kina Barbie at David kompara sa mga nauna nilang proyekto lalo na ang ilan sa mga eksena pa ay kuha sa mga romantic place sa Korea.

Kaya naman bukod sa ganda ng movie, makikita rin ang magagandang lugar sa Korea na napanood natin sa mga hit Korean novela na ipinalabas dito sa Pilipinas.

Makakasama rin sa pelikula sina Divine Aucina, Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada. 

Ang That Kind Of Love ay mapapanood sa July 10 in Cinema’s nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …