Friday , July 19 2024
BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation ang all-male group na BGYOlaban sa ilang indibidwal na nagpapakalat ng fake news sa social media.

Desidido ang mga miyembro ng grupo na panagutin sa batas ang mga taong patuloy na gumagawa ng malilisyosong kuwento at pekeng balita laban sa kanila.

Dumulog ang members ng BGYO na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa Quezon City Prosecutor’s Office para kasuhan ang mga taong hindi tumitigil sa pagpo-post ng fake news sa iba’t ibang social media platforms.

Ayon sa grupo, kailangan na nilang gumawa ng aksiyon para matigil na ang cyberbullying sa socmed, lalo na ang walang patumanggang pagpapakalat ng kasinungaligan at kabastusan.

Ilan sa mga malilisyosong akusasyon sa BGYO ay “cheating, bullying and drug use.”

Nitong April, in-announce ng Star Magic, ang talent management ng grupo, na magte-take sila ng “legal action against … emboldened bashers who circulate unfounded rumors.”

Sabi ng Star Magic legal counsel na si Atty. Joji Alonso noong panahong ‘yun, nakikipag-coordinate na sila sa ilang government agencies at private service providers, “to gather evidence and hold these perpetrators accountable for their unlawful behavior.

“Filing of criminal cases will be set in motion. Again, we remind the public that it is not only crucial to call out acts of bashing and cyberbullying, but to show kindness and accord everyone due respect, both online and in real life,” sabi pa ni Atty. Alonso sa isang statement.

About Rommel Placente

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …