Thursday , June 4 2026

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

062224 Hataw Frontpage

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba pa, sa sinasabing koneksiyon nila sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Zun Yuan Technology Incorporated.

Sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), naghain ang awtoridad ng kasong Qualified trafficking laban kay Guo at 13 indibiduwal sa Department of Justice (DOJ) kahapon, 21 Hunyo 2024.

Sa itinakdang batas, ang asuntong Qualified trafficking ay walang piyansa at may parusang kulong.

Kinilala ang iba pang iansunto na sina Rachelle Joan Malonzo Carreon, Thelma Barrogo Laranan, Rowena Gonzales Evangelista, Rita Yturralde, Merlie Joy Manalo Castro, Dennis Lacson Cunanan, Jaimielyn Santos Cruz,

Roderick Paul Pujante, Juan Miguel Alpas, Zhang Ruijin, Baoying Lin, Huang Zhiyang, at Yu Zheng Can.

Ang asunto ay iniluwal matapos ang pagsalakay sa sinabing illegal POGO sa Bamban.

Sinabi ni Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) chief Undersecretary Nicholas Ty, nasa proseso sila ng paghahain  ng immigration lookout bulletin order (ILBO) upang masubaybayan ang mga galaw ni Guo at ng iba pang inasunto.

Ang ILBO ay upang masubaybayan ang mga inasunto, at hindi para mapigilan silang makaalis ng bansa.

Gaya nang dati, patuloy na itinatanggi ng Bamban Mayor ang mga alegasyon at sinabing kailangan ng sapat na ebidensiya bago siya hainan ng asunto.

Si Guo ay nauna nang sinampahan ng kasong graft ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman noong 1 Hunyo 2024.

               Bukod sa mga kasong kriminal, si Guo at ang dalawang Bamban officials na sina business permit and licensing officer Edwin Ocampo at municipal legal officer Adenn Sigua ay sinampahan ng kasong administratibo dahil sa grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

               Dahil sa nasabing mga kasong administratibo, iniutos ng Ombudsman na suspendehin si Guo at ang dalawang opisyal ng munisipyo.

Ayon sa Ombudsman malakas ang nakita nilang ebidensiya laban sa tatlo. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …