Monday , May 12 2025

Ombudsman umaksiyon
GUO SUSPENDIDO DAHIL SA POGO

060424 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

PINATAWAN ngpreventive suspension ng Office of the Ombusdsman si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang dalawang opisyal habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kanilang pananagutan sa ilegal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa kanilang bayan.

Ang hakbangin ng anti-graft body ay kasunod ng sulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na may kinalaman sa pananagutan ng alkalde sa nadiskubre ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa bayan ng Bamban.

Sa 9-pahinang resolusyon na inilabas ng Obudsman, kasama sa pinatawan ng suspensiyon sina

Municipal Business Permit and Licensing Officer (MBPLO) Edwin Ocampo at Adenn Sigua, Municipal Legal Officer.

“They are hereby preventively suspended, without pay, during the period of investigation until its termination, but not to exceed six months,” ayon utos ni Ombudsman Samuel Martires.

Ayon sa Ombudsman, may malakas na ebidensiyang ipinapakita para ipataw ang suspensiyon sa tatlong opisyal ng bayan. Sa pamamagitan nito, sila ay pansamantalang tatanggalin sa kanilang  mga tanggapan upang hindi maperhuwisyo ang imbestigasyon..

Binigyang-diin ni Martires, nasa ilalim ng tanggapan ng tatlong suspendidong opisyal na kinabibilangan ni Guo ang kontrol o pag-iingat sa mga kinakailangan dokumento bilang ebidensiya.

Kinompirma ni Guo na natanggap niya ang suspension order, pero naninindigan na siya’y inosente.

“Today, I received an order from the Ombudsman on my supposed six-month suspension. I agree with the process of the law and I accept the decision of the Ombudsman but I will fight for my case,” pahayag ni Guo sa kanyang Facebook page.

“I would like to reiterate my innocence and my honesty in serving our town and the people,” dagdag ni Guo.

Hindi kabilang sa mga napatawan ang bise alkalde at ang mga konsehal.

Dahil “for immediate executory” ang resolusyon, agad inatasan ng DILG for Central Luzon na ipatupad ang anim-na-buwang suspensiyon laban sa babaeng alkalde.

About Almar Danguilan

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …