MANGISDA NANG MANGISDA sapagkat atin ang West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tahasang payo at sinabi nina running priest Fr. Robert Reyes at Edicio Dela Torre na pawang mga co-convenor ng Atin Ito sa kanilang pagdalo sa Agenda Forum sa Club Filipino.
Ayon kina Reyes at Dela Torre, walang masama na pakinabangan natin ang ating likas na yaman partikular sa ating karagatan lalo na’t ito ay nasasakupan ng ating teritoryo.
Ngunit aminado ina Reyes at Dela Torre, kung talagang igigiit ng bansang China ang fishing ban sa ating teritoryo ay ibang usapan na iyon.
Idinagdag ng dalawa, malaki ang epekto nito para sa ating mga mangingisda ngunit sa kanilang kaalaman at karanasan ay matagal na itong ginagawa ng tropang China sa ating karagatan ngunit talagang hindi nila mapipigilan ang pagtatanggol sa karapatan ng mga mangingisda at kagustuhang mabuhay ang kanilang mga pamilya.
Dahil dito nananawagan sina Reyes at Dela Torre sa pamahalaan, tiyaking mabigyan ng proteksiyon ang mga manginigisda upang sila ay patuloy na makapg-hanapbuhay.
Ngunit umaasa pa rin sina Reyes at Dela Torre na mayroong puso ang mga tropang Tsino upang bigyang halaga ang karapatan ng mga mangingisda.
Tiwala sina Reyes at Dela Torre na hindi likas na masama ang tropang Tsino na dating nagkakaroon ng magandang ugnayan sa ating mga mangingsda at umaasang muli itong babalik.
Pinayohan nina Reyes at Dela Torre ang mga mangingisda na iwasang makipag-away sa mga tropang Tsino bagkus ay maghanapbuhay sa pamamagitan ng maayos na pangingisda. (NIÑO ACLAN)