Friday , August 15 2025

72-anyos nanay, bugbog-sarado sa 33-anyos anak

052424 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

KULONG ang 33-anyos na binata matapos  bugbugin ang kaniyang 72-anyos na ina sa labas ng kanilang tahanan sa Quezon City nitong Miyekoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Joseph Bravo, 33, residente sa Lagkitan Compound, Brgy. Sauyo, Quezon City.

Sa report ng Talipapa Police Station 3, ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 4:30 pm nitong Miyerkoles, 22 Mayo, nang gulpihin ng suspek ang kaniyang ina na kinilalang si Erlinda Bravo, 72, sa harap ng kanilang bahay.

Una rito, nagtungo sa barangay hall ng Sauyo ang biktima para mag-asikaso ang kanyang senior citizens documents.

Pagdating sa bahay, sinigawan ng suspek nasi ni Joseph ang ina  at  sinabihan ng “P….mo! San ka nagpunta?!”

Nang hindi sumagot ang ina ay nagalit ang suspek at nilapitan ang biktima saka binugbog habang nagbibitaw ng salitang “P…..mo! Papatayin na kita ngayon dito!”

Dito nawalan ng malay ang biktima hanggang itakbo ng dalawang babaeng anak sa Quezon City General Hospital.

Inaalam ng pulisya kung nasa impluwensiya ng ilegal drug o alak ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …