Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na may anak na si Albie Casino. May permiso naman si Albie na i-reveal ni Ogie ang pagkakaroon niya ng anak.

Pa-blind item muna ang kuwento ni Ogie, tungkol sa isang aktor na kasama sa katatapos na online series na Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Lumipad daw patungong Amerika ang aktor para makita at makarga ang anak na lalaki.

Tumulak na patungong US ang young actor para makita’t mahawakan, makarga ang kanyang unang anak, ang kanyang baby boy,” simula ni Ogie.

Kasi nga ang kanyang dyowa ay isang foreigner at nanganak na boong April 30.  So, after ng kanyang palabas (CBML) ay tumulak na pa-US.

“Para maramdaman niyang tatay na talaga siya dahil first time niyang makikita ‘yung kanyang anak,” aniya pa.

Ano ang natapos niyang (aktor) project?” nagtatakang tanong ni Mama Loi.

“‘Yung Can’t Buy Me Love,” kaswal na sagot ni Ogie.

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Si Donny Pangilinan may anak na, Tito Ogie?”

“Shhhh (‘wag maingay) hindi siya, OA kayo,” sagot nito.

Sabi ulit ni Dyosa, “Ay si Darren Espanto?”

Natawa na lang si Ogie, “Hindi! Kayo talaga!”

Binanggit ni Mama Loi ang pangalan ni, “Anthony Jennings?”

May girlfriend si Anthony Jennings pero hindi naman ‘yun buntis,” saad ng talent manager at content creator.

Nabanggit ang mga pangalan nina Direk Rowell Santiago at Jake Ejercito na nagkataong nasa US ngayon para tuparin ang nasa bucket list niyang puntahan ang Yosemite National Park sa Sierra Nevada Mountains.

Madalas makita ang Yosemite bilang cover picture o background sa mga laptop at cellphone.

Going back sa aktor na may anak na ang sabi ni Ogie, “Si Albie Casino. Proud siya! Sabi niya sa akin, ‘hintayin mo muna akong makaalis (pa-US bago ibalita) Tito Ogie. Ha-hahaha!”

Pero proud siya at first apo ‘yan sa side ni Albie at first apo sa tuhod. At nakita ko napakaguwapo at hawig din kay Albie in fairness. Sobrang tuwang-tuwa si Albie hindi raw niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya.”

Sabay bati nina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ogie ng “congratulations” kay Albie ngayong isa na itong ganap na ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …