Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa social media na payat na payat. Iniisip ng iba, na siguro raw ay may malalang sakit ang TV host-actor. At ang worst pa, baka raw gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga netizen talaga, masyadong maintriga. 

In fairness kay Billy, matino siyang tao, kaya never niyang susubukan na gumamit ng droga. 

Sa interview ng ABS-CBN sa misis ni Billy na si Coleen  Garcia, sinabi niya na okey na okey  ang kalusugan ng TV host-actor.

Sabi ni Colleen, “I guess people are so used to seeing us like this, na made-up kami and showbiz mode. Pero kahit noon pa, si Billy talaga may dark circles, and ‘yung hair niya medyo nauubos na. 

“Pero even before, it was never a problem to us. Hindi siya issue para sa amin, hindi namin ikinakahiya.

He’s more than okay. As in, ‘yun na nga, payat siya kasi wala na siyang mga bisyo.

“Ang dami kasing nagsasalita, ‘di ba? Pero in his whole life, proud ako sa kanya na never siyang naka…and never even tried mga hard drugs or anything,” depensa pa ni Colleen kay Billy.

We’re putting it out there and honest kami sa inyo. Sana may mga mag-respect din sa mga sinasabi namin, because we wouldn’t lie about something like that sa inyo.

“Billy used to struggle with alcoholism. He quit alcohol, he quit smoking, wala siyang bisyo ngayon, and he’s healthier than ever,” paniniguro pa niya.

Dagdag pa ni Coleen, nakakapagod at nakaka-stress naman talaga ang trabaho ni Billy sa France at sa Amerika.

Ang hirap ng ginagawa niya. Every month, he leaves the country to work, and every time he leaves the country, he does several shows,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …