Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin sa totoong relasyon nila ni Kira: Hindi naging kami, sobrang komportable lang sa isa’t isa

MA at PA
ni Rommel Placente

SA May 29, Wednesday, ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Chances Are, You And I na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Kira Balinger. Mula ito sa direksiyon ni Catherine “CC” Camarillo. 

February 2022 sila nag-shoot sa South Korea at na-experience nila ang sobrang lamig na umaabot pa raw minsan sa -24 degrees celsius.

“Noong sinu-shoot po namin doon, nasanay po ako na gumising two hours before.

“Kung ang call time ay 6:00 a.m., nagigising ako ng 4:00 a.m. kasi nag-workout pa ako. Nagpapa-make up na po ako, para pagdating ng 6:00 a.m., prepared na.

“Nagkakape na po ako. Ayoko kasing masyadong minamadali ‘yung preparation,” sabi ni  Kelvin sa media conference ng nasabing pelikula.

Na-link noon sina Kelvin at Kira. Pero nilinaw ng una na hindi naging sila ng huli.

“Hindi naman po naging kami ni Kira,” paglilinaw ni Kelvin.

“Wala po kaming naging relasyon ni Kira or ano. Para ma-clear lang po, hindi naman po naging kami.

“Nagkaroon lang ng… siguro dahil sa pagiging devoted namin sa project na ito, first kong pelikula ito na talagang bida ako sa romance.

“’Yung huling pelikulang nagbida ako iyung ‘Deadly Kidz,’ tapos ‘yung ‘After All.’ Hindi ko siya madya-justify dahil sa work.

“I mean, na-confuse talaga ako noong time na ‘yun. Aminado naman ako.

“Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganoong klaseng sitwasyon.

“’Yun lang po talaga ‘yung closeness… sobrang pagiging close namin. Naging komportable sa isa’t isa.

“’Yun ‘yung pinakamasasabi ko na totoo, naging komportable kami sa isa’t isa,” dagdag ni Kelvin.

Parang nabalik na naman daw ang dati niyang naramdaman nang bumalik ang alaalang ito.

Pero okay sila ni Kira at hindi naging problema ang isyung ito sa promo ng kanilang pelikula.

Sabi naman ni Kira, naging professional lang sila para pagtulungang i-promote ang pelikulang ito.

“We’re okay. As colleagues, siyempre we both show up for work. I think I can say that we are both professional when it comes to our work.

“So no matter what happens, we both have to show up. And you know it’s a beautiful film and Direk Cathy (Camarillo), she gave her all for this movie.

“My God! She worked so hard for this. The whole production, they worked so hard for this. So, it’s only right that we show up for them as well,” saad ni Kira.

Friends naman sila ni Kelvin at walang problema sa kanilang trabaho.

“Oo naman po siyempre. I don’t think we could do this together kung hindi po kami friends, kung mayroon ano sa isa’t isa, mahirap po ‘yun, ‘di ba?” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …