Thursday , December 19 2024
Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI
NAPITIKAN ng lensman ang masayang kuwentohan nina Coach at COPA co-founder Chito Rivera (L-R) at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, COPA co-founder at Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary-General. (HENRY TALAN VARGAS)

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital Region “One-For-All All-For-One” championships na nakatakda ngayong weekend sa Teofilo Ildefonso Swimming Center sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Maynila.

Sinabi ng co-founder ng COPA na si Chito Rivera, walang bayad ang mga koponan at estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa tatlong araw na tournament na magsisilbing isang fund-raising event dahil bahagi ng mga kikitain ay mapupunta sa pamilya ng yumaong swimming coach na si Elcid Evangelista.

Ang age-group competitions ay para sa mga lalaki at babae 6-under, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17 at 18-year-old pataas. Ang petsa ng pagtutuos ay sa 31 Disyembre 2024.

“This is part of a series of COPA competitions aimed at fostering camaraderie and boosting the swimmer’s development at the grassroots level.  But of course, expect tough competition as some of our Palarong Pambansa qualifiers are confirmed to join the event,” ani Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, COPA co-founder at Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary-General.

“Also, this will serve as part of our young swimmers’ preparation for the coming National tryouts on August 15-18 to select members of the team for the Southeast Asian Age Group SEA Age Group Championship slated in Bangkok in December,” dagdag ng swimming icon at Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF).

Ang kompetisyon ay pinahintulutan ng Philippine Aquatics, Inc.

Kabilang sa mga kilalang manlalangoy ang multi-titled at Palarong Pambansa-bound Nicola Diamante mula sa RSS Dolphins sa Parañaque City, Asian Age-Group Championships campaigner na si Patricia Mae Santor mula sa University of Santos, kasama sina Rio Balbuena, Jada Cruz, Amber Arano, Kristoffe David, at Audrina Victor mula sa sikat na Ilustre East Swimming Club na nasa pangangasiwa ni National coach Ramil Ilustre.

Samantala, ipinaalala ni Rivera na ang mga pisikal na sasabak sa PAI tryouts para sa 25-meter competition na nakatakda sa 19-21 Agosto 2024 ay magiging karapat-dapat na kumatawan sa bansa sa apat na international tournaments: Ang World Cup sa Shanghai, China, sa 18-20 Oktubre 2024; Korea World Cup sa Incheon, 24-26 Oktubre 2024; Singapore World Cup, 31 Oktubre – 2 Nobyembre 2024; at ang World Championships sa Budapest, Hungary, 10-15 Disyembre 2024. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …