Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessa Zaragoza Jayda

Jessa sarili ipinagtanggol, ‘di totoong napikon sa basher

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING isyu para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa Zaragoza ng mga pinggan habang kuntodo-make up at bini-video ng anak nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda.

Tanong ng ilang bashers, kailangan daw ba talaga na naka-make up pa si Jessa kapag naghuhugas ng mga pinagkainan? Parang nagpapapansin lang daw ang singer-actress.

Sa isang panayam, ipinagtanggol ni Jessa ang sarili. Ipinaliwanag niya kung bakit naka-make -up siya habang naghuhugas ng  mga pinggan.

 “Ayun na nga! Ano kaya kung maghugas ako ng pinggan tapos mayroon akong mga diamond, ‘di ba? Baka may masabi na naman sila. Ha-hahaha!” natatawang umpisang sabi ni Jessa.

Katwiran pa ni Jessa, “Kasi, ‘di ba, pinapahula niya (Jayda) ‘yung lyrics ng kanta niya sa akin? Eh, kasi, hindi naman ‘yun planado.

“Bigla na lang na-ambush ako habang naghuhugas ng pinggan. Wala naman kaming katulong or helper sa bahay. 

“Galing ako sa show niyon. Nag-event kami sa St. Luke’s yata. Tapos, siyempre, ganoon ako talaga kahit sa Amerika.

“Pagkababa ng kotse, hindi muna ako magtatanggal ng mga make-up. Hindi ako nakapagbihis, diretso sa kusina, hugas agad ng pinggan, kung ano man ‘yung naiwanan ko roon,” esplika pa niya.

Ibig sabihin, hindi ‘yun ang first time na  ginawa niya ‘yun at hindi naman talaga niya sinadya “Ay, hindi! Hindi. Hindi pinagplanuhan iyon. Talagang ano, organic.

“And I’m sure maraming mga working mom ang nakare-relate. Kasi siyempre naman, gusto kong maglinis na ng katawan, magtanggal ng make-up, ‘pag tapos na lahat ‘yung gawain ko.

“At saka ako aakyat para hindi na ako pagpapawisan pa ulit,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang feeling niya kapag may mga namba-bash sa kanya ng dahil sa isang simpleng video.

Alam mo, sa totoo lang, ewan ko, ‘yung mga taong nakakakilala sa akin, matagal ako bago maasar talaga ng bonggang-bongga.

“Isa ako sa mga deadma talaga. So, kapag sumasagot ako na ganoon, hindi ibig sabihin, napipikon ako.

“Parang… ‘Ahh, ganoon? Gusto mong maglaro? Laro tayo!’ Ha-hahaha!

“Inano ko lang. Sinabihan ko lang din, in-explain ko lang. Para ngang biniro-biro ko pa, ‘Okay na ba sa iyo ang explanation ko? Malinaw na ba?’ Ha-hahahaha! Hindi naman seryoso ‘yun,” sabi pa ni Jessa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …