Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

DonBelle senti sa paghihiwalay 

MA at PA
ni Rommel Placente

HANGGANG sa May 10, Friday, na lang mapapanood ang top-rating series ng ABS-CBN at Netflix, na Can’t Buy Me Love, na pinagbibidahan ng lovetem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.Magtatapos na ang seryeng mimahal ng televiews lalo na ng mga tagahanga ng DonBelle.

Noong last taping ng serye ay nagkaroon ng finale party na dinaluhan ng lahat ng mga naging parte ng serye.

Medyo senti nga raw sina Donny at Belle sa last taping day nila. Mami-miss kasi ng dalawa ang lahat ng mga nakasama nila dahil napalapit na sa kanila ang mga ito, na itinuturing na nila na mga kapamilya.

At nang matapos ang party, hindi agad humiwalay sina Donny at Belle sa ibang cast.

Sumama pa sila hanggang sa bahay ni Albie Casiño.

Post nga ng nanay ni Albie na si Mommy Rina, “Am I Dreaming Guess who’s here? Yes at 2am after their final taping The Tiu sibs Bettina, Carlo, Irene & Caroline with Bingo nagtanan na?ahahaha Snoop, Bierna & Jersey.

“My Ahia Charleston (Albie) #albiecasiño brought them home

“Am so happy. So Who killed Divine? Watch the final episodes of ‘Can’t Buy Me Love’ #cbml @starcreativestv @netflixph #sepanx #tiusibslings.”

Pare-pareho ngang may separation anxiety sina Donny, Belle, Joao Constancia, Chie Filomeno, Alora Sasam, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kai Estrada sa last taping day nila kaya nga after the party ay tumuloy pa sila sa bahay nina Albie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …