Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
‘Ika nga, ‘the heat is on’ kaya naman hindi nakapagtataka na kung ano-anong sakit ang nababalitaan nating nagsusulputan ngayon.
Isang kasama namin sa bahay ang nangapal ang likod dahil sa patong-patong na bungang-araw at talaga namang nakaaawa kapag humahapdi dahil sa matinding pawis.
By the way, ako nga pala si Renato Mendez, 44 years old, sub-operator ng ilang TNVS cars and motorcycles, naninirahan sa Apalit, Pampanga.
Sis Fely gusto ko lang pong i-share sa inyo ang karanasan ni Ate Nida, ang aming kasambahay.
Araw-araw naman siyang naliligo pero nagtaka kami kung bakit tinubuan siya ng napakakapal na bungang-araw.
At dahil dati na kaming user ng Krystall Herbal Oil at Krystall Soak Powder, tinuruan namin siyang gumamit nito. Ang soak powder ay ibinubudbod sa mainit na tubig at pagkatapos kapag natunaw na ang soak powder ay dadagdagan ng malamig na tubig para maging maligamgam, at ‘yun ay idadampi niya sa likuran sa pamamagitan ng bimpo. Pero gagawin niya iyon pagkatapos niyang maligo, kailangan kasi malinis na ang likod bago i-apply ito. Kapag medyo manuyo-nuyo na ang Krystall soak powder sa kanyang balat saka naman lalagyan ng Krystall Herbal Oil. Ang suggestion namin, gawin niya sa umaga after maligo, at ganoon din sa gabi after niyang mag-wash o mag-shower before matulog.
After 2 days, napansin namin ni misis na hindi na kamot nang kamot si Ate Nida at bumalik ang sigla sa pagtatrabaho sa bahay.
After 2 weeks, aba tuluyang kuminis ang kanyang likod at wala man lang kahit isang bakas ng natuyot na bungang-araw.
Sabi ni Ate Nida, parang libag daw na natatanggal kapag hinihilod niya.
Kaya naman labis po ang pasasalamat niya sa inyo at kami rin pong mag-asawa, dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon.
Muli maraming salamat po sa inyong imbensiyon, mga turo at payo sa inyong mga tagasubaybay.
Bilib talaga,
RENATO MENDEZ
Apalit, Pampanga