Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine Velasquez billed as Regine Rocks na ginanap noong April 19 sa Mall Of Asia Arena. Pero hindi siya natuloy.

Ayon kay Julie Anne, kinailangan niyang magpaalam sa production ng concert ni Regine dahil sa naranasang “health emergency” ilang oras bago maganap ang naturang event.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post ang actress-singer ng kanyang mensahe para kay Regine kasabay ng pagpapaliwanag kung bakit wala siya sa matagumpay na concert.

Ayon sa Kapuso singer, “Congratulations, ate Regine Velasquez-Alcasid for a very successful concert!

“Your talent is truly undeniable, and I feel fortunate to have witnessed it throughout my journey as a singer. You are my inspiration,” simulang mensahe ng girlfriend ni Rayver Cruz.

Kasunod nga nito ang paghingi niya ng paumanhin kay Regine, “I would like to express my gratitude for inviting me to be part of your concert.

“I was incredibly excited to share the stage with you again last night but unfortunately, things didn’t go my way due to health concerns and I appreciate your understanding. I love you!” sabi pa ng jowa ni Rayver.

Sa concert ni Regine, ay guest sina Darren Espanto at JK Labajo. Siguradong nagkita ang dalawa.  Nagpansinan kaya sila?  

Kinasuhan noon ng nanay ni Darren si JK dahil sa umano’y pagtawag nito ng bading sa kanyang anak. Na ayon naman kay JK ay na-hack ang kanyang Twitter account na ngayon ang tawag ay X, kaya hindi siya ang tumawag niyo  kay Darren.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …