Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists


MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo kaya ito?!

Nagsimula ang ingay na ito pagkatapos maglabas ang Puregold ng kanilang dalawang teaser sa socialmedia noong Abril 12, isang anunsiyo kasama ang mga malalaking Pinoy pop artist. 

Ipinakita sa post noong umagang iyon ang mga letra na lumalabas sa screen: SL, SB, FG, and BN. Sa huli, lumabas ang mga letrang GRFSB. Ang parehong mga letrang ito ay nasa opisyal na pamagat ng bidyo, #Puregold_GRFSB. 

Malinaw sa unang bidyo kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang ito: Get ready for something big!

Pagdating ng hapon, may panibagong post na nagbigay pa ng mga pasilip. Muli, pinamagatang#Puregold_GRFSB kasama ang mga anino.

Kung susuriing maige, may apat na litrato sa video: tatlong grupo at iisang indibidwal. Nagtapos ang  video na nangangakong mas marami pang darating sa Mayo 2024. 

Hindi lang iyan, noong April 17, isang pasilip na video ng kanta mula sa bandang SunKissed Lolanaman ang nai-post. Kilala ang grupo sa kantang Pasilyo na may higit  views na 204 milyon sa Spotifylamang. 

Kaya naman opisyal nang inaanunsiyo na ang SunKissed Lola ay katambal na ng Puregold sa proyektong ito. 

Tuwang-tuwa ang mga tagasunod ng banda sa inilabas na bidyo ng bagong musika ng SunKissed Lola. Kahit mula lamang sa 20 segundo na ibinahagi sa bidyo, malinaw   na maraming kapananabikan angmga tagasubaybay sa bagong kanta ng  SunKissed Lola, na nilikha sa kanilang kolaborasyon kasama ang Puregold. 

Tampok ang mga lyric na, “Burahin ang anumang duda sa sarili mo,” ipinapangako  ng  kanta namagsisilbi itong inspirasyon at pagmumulan ng pagtitiwala sa sarili. Ngayon   pa lamang, nagpapakitana ang pasilip na ito sa laging “panalo” na pakiramdam na laging ipinakikita sa mga marketing campaign ng  Puregold. 

Mukhang malaki ang nais makamit ng Puregold sa kolaborasyon na ito sa musika. Sabik nang naghihintay ang mga music fan sa mga susunod na anunsyo at kompirmasyon ng makakatambal ng Puregold na mga artista sa musika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …