INIHAYAG kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III ang indefinite suspension sa awarding ng karagdagang 10,000 slots sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Noong nakaraang 27 Marso, sinabi ni Guadiz, ang karagdagang 10,000 units ng TNVS ay magbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino.
“As of today, we have only 23,000. And because we feel the need for more players because there is a seemingly deficiency in public transportation, nag-award po kami ng 10,000,” pahayag ni Guadiz sa media briefing sa LTFRB Central Office sa Quezon City.
“However, in deference again to the clamor of the transport sector, we are postponing indefinitely the awarding of the slots to other players,” dagdag niya.
Paliwanag niya, magpapatuloy ang indefinite postponement hanggang matukoy ng ahensiya ang sapat na bilang ng TNVS vehicles na kailangan para sa Metro Manila sa pamamagitan ng masusing pagkukuwenta.
Sinabi ni Guadiz, sa nakaraang administrasyon, ang kalkulasyon ay nagpapahiwatig na ang maximum capacity para sa TNVS sa Metro Manila ay 65,000 sasakyan.
“As of today, we have only 23,000,” anang opisyal.
Nauna rito, sinabi ng LTFRB chief na ang hakbang na magdagdag ng 10,000 slots para sa TNVS ay hindi makaaapekto sa mga jeepney at tricycle dahil magkaiba ng mga mekado. (ALMAR DANGUILAN)