Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Kim Chiu

Barbie ibinuking minsang nagalit sa pagiging late ni David

MA at PA
ni Rommel Placente

SA collaboration nina Barbie Forteza at Kim Chiu sa YouTube, natanong ng huli ang una, kung ano ang mas gusto nito, ang maging bida o kontrabida.

Sagot ni Barbie, “Para sa akin mas naiintindihan ko ‘yung buong istorya kapag ikaw ‘yung bida kasi ‘di ba iikutin mo ‘yung lahat ng characters.”

Inamin din ng dalaga na mas gusto niyang gumawa muna nang gumawa ng mga teleserye kaysa pelikula.

Mas nasanay ako sa teleserye kasi wala ako masyadong movie so, hindi ako masyado nasanay sa disiplina ng paggawa ng pelikula.

“Kasi kapag teleserye mas sanay ako na 30 sequences a day tapos mabilisang shoot lang. Kapag pelikula kasi kaunti lang eksena pero paulit-ulit kasi maraming angulo.

“So iyong emotions hindi pa ako ganoon kasanay na mahabaan to get to that level of emotions again and again para maging raw ulit. Mas sanay ako sa mabilisan tapos move on na,” paliwanag niya.

Nabanggit din ni Barbie na ang “ultimate goal” niya sa pagiging aktres ay ang makatanggap ng mga acting award.

Siyempre awards kasi para sa sarili mo ‘yon, eh. Sa ’yo ‘yon. Nakalagay ‘yung pangalan mo roon sa trophy.

“At saka ayun naman talaga ‘yung dahilan kung bakit gusto ko mag-artista. Gusto ko talaga ng awards. Gusto ko maging actress talaga,” aniya pa.

Mahalaga rin para sa kanya ang mabasa o marinig ang mga sinasabi ng tao about her and her work

Every time kasi gusto ko maging self-aware. Kasi ‘di ba malalaman ko na lang sa ibang tao na may chika about me so paano ko masasagot di ‘ba?” paliwanag ni Barbie.

Nagbabasa rin siya ng mga nasusulat at nababalita tungkol sa relasyon nila ni Jak Roberto, ang kanyang boyfriend ng ilang taon na rin.

Ayun lang naman pero hindi naman ako naapektuhan. Gusto ko lang maging self-aware.

“Tapos minsan kapag magaganda ‘yung mga nababasa ko, nakaka-boost naman. Kapag pagod ka na, ay worth it pala mapagod kasi ganito ‘yung sinasabi nila,” pa dugtong ni Barbie.

Samantala, may inamin din si Barbie tungkol sa ka-loveteam niyang si David Licauco. “Annoying” daw ang tingin niya rito noong unang magkatrabaho sila.

Wala akong ginawa pero ipinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet. Alam ni David iyon pero ngayong okay na kami. Nasa acceptance stage na ako.

“Kasi dati sa ‘Mano Po’ (series nila sa GMA), late. So, ayun naging issue namin for a while.

“Tapos, noong finally in-accept ko na ‘yun about him, and in fairness naman din sa kanya, um-effort na siyang mapaaga ngayon, maging on time dahil sa akin. Inaadmit niya ‘yun,” sabi ni Barbie.

Sey naman ni Kim, “Naturuan mo siya in a way to be professional.

“Yes. Kaya ngayon we are very good friends na. Okay na kami ngayon,” sagot ni Barbie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …