Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Mommy Divine

Sarah at Mommy Divine nag-uusap na

SALAMAT naman at nagkabati na ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Ito ang inihayag ng Pop Star Royalty sa isang interbyu sa kanya ng ABS-CBN at sinabing may communication na uli sila ng kanyang ina.

May ilang taon ding hindi nag-uusap ang mag-ina simula nang magpakasal si Sarah kay Matteo Guidicelli. Ito ay naganap noong February 2020 nang sumugod si Mommy Divine habang ginaganap ang intimate at civil wedding ng kanyang anak kay Matteo.

Ani Sarah, nang-umpisa ang communication nila nang batiin siya ng kanyang inang si Mommy Divine sa kanyang latest achievements.

“Yes! Thank you Lord! I love you, Ma!” ang nasabi ni Sarah nang tanungin kung maayos at nag-uusap na muli sila ng kanyang ina.  “Love you ‘Ma. We love our moms,” singit naman ni Matteo.

Tumanggap ng Global Force Award si Sarah sa Billboard Women in Music Awards sa YouTube Theater, Los Angeles, California, USA noong March 6 at dito naihayag ni Sarah ang magandang balita.

“Super unexpected ‘yun. The first time I learned about it, na-surprise talaga ako. Sobrang inspiring also for an artist like me. Nagpahinga ako, took a break, then I released new songs.

“Medyo I questioned, ‘Gusto ba ng mga tao songs na inilalabas ko?’ And then this came, parang I feel na ‘wow, may nakaka-appreciate ng ginagawa ko still.’

“Very thankful, very grateful for the honor na ibinagay sa akin to represent our country and Philippine music on a global stage,”  speech ni Sarah sa Billboard award.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …