Wednesday , April 16 2025
Bong Revilla Jr teachers

Sen Bong kampyon ng mga guro, teaching allowance madodoble na 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMING mga guro ang natuwa dahil aprubado na ng Senado sa Bicameral Conference  Committee Report ang Teaching Allowance na panukala ni Sen.Ramon Bong Revilla, Jr.

Wala ngang paglagyan ng ligaya ang mga guro na mainit nilang pinasalamatan si Sen. Revilla sa pagsulong nito ng panukalang dodoblehin ang tinatanggap nilang teaching allowance.

Masayang ibinalita ni Sen. Bong na kasadong-kasado na ang kanyang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” matapos maaprubahan ng Bicam Conference Committee ang mga probisyon ng Senado at House of Representatives, kasama ang mga miyembro ng Komite, malapit nang matamasa ng mga guro ang mga benepisyo sa ilalim nito, kapag mapirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ani Revilla, “Nag-‘evolve’ na ang pagtuturo kaya dumagdag na ang demands sa mga guro para mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin. Ayaw nating maging abonado pa sila. Kailangan ‘yung gastusin para sa mga gamit sa pagtuturo ay hindi na nila huhugutin sa kanilang sariling bulsa.”

Sa Session Hall ng Senado, naglapitan ang mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon ng mga guro sa bansa — Department of Education, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition, at Philippine Public School Teachers Association. Hindi nila napigilang maging emosyonal dahil mula pa noong ika-16 na Kongreso nila ito hinahangad. 

Sa Chairmanship ni Sen. Revilla ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, naisakatuparan ang pangarap ng mga guro. 

Lubos ang pasasalamat nila sa senador na maituturing na Kampyon ng mga Guro.

Mahalaga rin ang panukalang ito na kasama sa Top Legislative Priorities ni Revilla dahil ipinangako niya ito noon pa man, kaya labis ang galak niya nang siya na ang italagang Chairman ng naturang Komite ng Senado na tumalakay at nag-defend sa plenaryo. 

Sa pagbibigay-pugay at pagpapahalaga ni Bong sa mga guro, sinabi niyang nakaukit na sa mga pahina ng kasaysayan ang kanilang kadakilaan.

Sa panukalang si Sen. Revilla ang Principal Author at Sponsor, ang dating PHP 5,000 na Teaching Allowance ay itataas na sa PHP 10,000.

Napalaking bagay ito para sa mga gurong tinagurian ni Revilla na mga “Bayani” dahil sa kanilang kadakilaan at bilang “haligi ng lipunan, at tanglaw ng ating kinabukasan.”

Sinabi pa ni Bong na, “Hindi ito ang wakas, bagkus simula pa lang ng marami pa nating hakbang sa walang mintis na pagsulong ng mga katulad na reporma.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Faith Da Silva Libid Grand Santacruzan

Santacruzan buhay na buhay sa Binangonan: Libid Grand Santacruzan sa Mayo 4 na

MASUWERTE si Faith Da Silva dahil siya ang napilli ng mga taga-Binangonan lalo ang mga taga-Brgy. Libid …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Sara Discaya Team KAYA THIS

Team KAYA THIS, nanawagan sa Comelec

NANAWAGAN ngayong Martes ang TEAM KAYA THIS ng Pasig City sa Commission on Elections (COMELEC) …