Monday , December 23 2024
Bulacan Fire Prevention

Kasabay sa pag-obserba sa buwan ng pag-iwas sa sunog…
DILG INANUNSIYO NA MAGTATAYO NG DRUG ABUSE TREATMENT AND REHABILITATION CENTER SA BULACAN

IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Bulacan.

Inaasahan na makaaapekto ang nasabing pasilidad sa buhay ng mga dependent sa iligal na droga gayundin ay makatulong sa komunidad sa pagsusumikap nitong sugpuin ang iligal na droga.

Aniya, ang DATRC ay isa sa mabisang mekanismo sa muling pagbabalik sa lipunan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng sustenableng programa ng gamutan at rehabilitasyon.

Inanyayahan ni Bernabe ang mga Bulakenyo na lumahok sa programa ng DILG na tinawag na “BIDA – Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan”, isang buong taon na adbokasiya na naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng komunidad na mapababa ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga.

Pinuri rin ng opisyal ang pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa pagkakaroon ng aktibong Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na may kumpletong emergency response na kagamitan tulad ng bagong bili na disaster response vehicle, mga fire suit, bota, helmet, guwantes, hose at nozzle, AED, body monitor at self-contained breathing apparatus, gayundin ang maaasahan at well-trained na mga emergency responder.

Pinaalalahanan naman ni Bureau of Fire Protection Regional Director FCSUPT Roy Roderick P. Aguto ang publiko na maging handa sa anumang hindi inaasahang insidente ng sunog sa pamamagitan ng pananatiling ligtas at pagkakaroon ng listahan ng mga emergency number na madaling makita upang makatiyak sa agarang pagresponde ng tulong.

Para sa kanyang bahagi, naglinya ng iba’t ibang gawain ang PDRRMO sa pamumuno ni Manuel M. Lukban, Jr. kaugnay ng pag-obserba ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog .

kabilang na rito ang pagsasagawa ng pulong para sa koordinasyon; pamamahagi ng IEC materials sa buong lalawigan mula Marso 1-31; hosting sa Radyo Kapitolyo’s  Bulacan Rescue Program sa Provincial Public Affairs Office tuwing Martes, 9:00 am -10:00 am; pagsasagawa ng fire safety inspection sa pakikipag-ugnayan sa BFP sa mga gusali sa Kapitolyo at iba pang ahensiya ng gobyerno; Oplan Lakbay Alalay (SUMVAC) sa Divine Mercy Shrine sa Marilao, Kapitangan, Paombong at Malolos Cathedral sa Lungsod ng Malolos mula Marso 27 hanggang 31; Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa San Ildefonso sa Marso 25 at PGB Fire Marshalls Quarterly Meeting sa PDRRMO Training Room sa Marso 26.

Samantala, sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan-PDRRMO, BFP, DILG, iba pang katuwang na mga LGU ang paglulunsad ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng motorcade at panunumpa sa tungkulin ng mga Bulacan Fire Fighter Volunteer.

Bago ito, ginanap ang Basic/Advance Fire Fighting with Hazardous Materials Trainings sa Lungsod ng Olongapo mula Pebrero 26 hanggang Marso 2 at Pagsasanay sa “Kaalaman at Kahandaan ay Katatagan sa Kalamidad (K4) noong Pebrero 23 sa Hagonoy, Bulacan.

Hinimok ni Fernando ang publiko na laging doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang mga insidente ng sunog lalo pa’t nakapagtala ang Bulacan PDRRMO ng 129 fire incident emergency responses noong 2023. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …