Friday , May 16 2025
Sarah Geronimo Global Force Award

Sarah Geronimo 1st Pinay na bibigyang parangal sa Global Force Award

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG bibigyang parangal si Sarah Geronimo ng Global Force Award bilang Billboard’s Women in Music.

Ayon sa American entertainment and music magazine, kabilang si Sarah sa mga listahan ng honorees kasama ang Italian singer-songwriter na si Annalisa at Brazilian singer-songwriter na si Luisa Sonza.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Popstar Royalty sa pamamagitan ng X (dating Twitter). Aniya, iniaalay niya ang award sa bawat Filipino artists na patuloy na nangangarap.

Honored and grateful to be one of the recipients of Billboard’s Global Force Award.

This recognition belongs to every dreamer and amazing Filipino artist we have.

Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat, Billboard PH!” ani Sarah sa kanyang post.

Hindi ito ang unang pagkakataong kinilala ang galing ang galing ni Sarah ng iba’t ibang international award-giving bodies.

Kabilang dito ang Awit Awards, Mnet Asian Music Award, MTV Europe Music Award, World Music Award, Classic Rock Roll of Honour Award, at marami pang iba.

Magtutungo ng Los Angeles, California si Sarah sa  March 6 para personal na tanggapin ang award na magaganap sa YouTube Theater na maaaring mapanood sa website ng Billboard.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Still Lani Misalucha

Lani ibinahagi bakit siya tinawag na Asia’s Nightingale  

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Lani Misalucha, ikinuwento niya kung paano …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Win Abel

Dating aktor/model Win Abel nakalusot bilang konsehal sa Caloocan

NAIPANALO muli sa ikalawang pagkakataon ng dating actor/model na si Win Abel ang pagiging councilor …