MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ni Mark Bautista sa broadcast journalist na si Karen Davila, ibinunyag niya na nang umamin siya noon sa kanyang tunay na kasarian ay naapektuhan ang kanyang karera dahil nawalan siya ng ilang mga proyekto.
Gayunman, nilinaw niya na hindi niya pinagsisihan ang naging paglalantad sa kanyang sekswalidad.
“First noong lumabas ang dami palang ganitong reactions. Sabi ko, dapat ba hindi ko na itinuloy and all that,” simulang kuwento ni Mark.
Sey pa niya, “Pero ngayon masasabi ko it’s the best decision na nagawa ko. Sobrang iba ang pakiramdam. No regrets.”
Dagdag pa ng singer, “Kung anuman ang mangyari, kung hindi na ako tatanggapin sa showbiz o wala ng show, ready ako.”
Nilinaw din ni Mark na kahit siya’y bisexual ay pwede pa rin siyang ma-inlove sa babae at gusto pa rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.
“Open pa rin ako to fall in love with a girl kasi gusto ko talagang magka-family. Gusto ko magkaanak and all that,” sambit ng singer.
“I’m still open to it na kung may babae na tatanggapin ako and all that. Kung mapa-fall ako or ma-in love ako sa isang babae, wala akong problema.
“Tatanda ako, sinong maiiwan? Saan ko ibibigay ‘yung pinaghirapan ko? Sino ang mag-aalaga sa akin, basically? Naisip ko rin na dapat siguro may kasama ako or may anak or something,” saad pa ni Mark.