Thursday , May 15 2025
Kristoffer Martin Kathryn Bernardo

Kristoffer may panawagan kay Kathryn

MA at PA
ni Rommel Placente

UMAASA si Kristoffer Martin na mabibigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Kathryn Bernardo

Nagkasama noon sina Kristoffer at Kathryn sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Endless Love na umere sa GMA 7. Gumanap dito ang aktor bilang batang Dingdong Dantes, at si Kathryn naman bilang batang Marian Rivera.

Proud na proud si Kristoffer sa lahat ng mga achievement ni Kathryn. Inamin naman niya na wala na silang communication ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla, pero nagbabatian sila kapag nagkikita sa mga showbiz event.

Nagkikita kami sa mga event, nagha-hi, hello-an pero ‘yung personal, nagme-message (sa isa’t isa), hindi po,” ang sabi ni Kristoffer sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nananawagan si Kristoffer kay Kathryn na sana ay magkatrabaho ulit sila.

Kath, baka naman ‘di ba? Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’ oh. Tuloy natin.”

Hiningan naman siya ng mensahe ni Kuya Boy para kay Kathryn matapos itong makipaghiwalay kay Daniel.

Peace sa heart niya, Tito Boy. Kasi deserve niya ‘yun eh. Importante ‘yung peace,” ani Kristoffer.

Kasalukuyang napapanood si Kristoffer sa Kapuso afternoon series na Makiling starring Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Isa ang aktor sa mga kinaiinisang kontrabida sa programa.

About Rommel Placente

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …