Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Baby pinapak ng lamok, pamamantal tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Jean Gatbonton, 42 years old, isang yaya/kasambahay sa Quezon City.

         Halos walong buwan na po ako rito sa amo ko. Ang ise-share ko po, ‘yung experience ko noong bago pa lamang ako sa kanila at halos 4 months old pa lang ang aking alaga.

         Pumasok na sa work ang amo kong babae dahil natapos na ang kanyang tatlong-buwan na maternity leave kaya po naiwan na sa akin ang pag-aalaga.

         Isang beses po habang natutulog si baby sa kanyang crib, aba’y hindi ko alam na pinapapak na pala ng lamok. Akala ko kasi’y walang lamok dahil kami naman ay nasa loob ng kuwartong may aircon.

         Aba, nang makita ko ang maraming pantal at pamumula gawa ng kagat ng lamok, siyempre ako’y nataranta. Agad akong nag-text sa aking pinsan para alam ko kung anong makagagamot. Sa takot ko’y nag-text na rin ako sa amo kong babae para agad siyang makabili ng gamot.

         Agad namang sumagot ang pinsan  ko na magpapa-deliver daw siya ng Krystall Herbal Oil. Basta ang sabi niya lagyan ko ng Krystall ang lahat ng pantal. Bantayan ko raw maigi, kapag medyo tuyo na ang herbal oil, lagyan ko ulit. Magugulat daw ako sa resulta.

         Siyanga po pala, piniktyuran ko ang pantal ng baby at ipinadala ko sa mommy niya, kaya nataranta at sinabing maaga raw siyang uuwi para dalhin sa doktor.

         At hayun nga po, sa pangatlong paghahaplos ko ng herbal oil sa mga pantal ni baby, napansin ko, parang umimpis at sa pang-apat na paghaplos, tuluyang nawala ang mga pantal, parang hindi siya nakagat ng mga lamok.

         Kahit ako po mismo ay gulat na gulat sa resulta ng pag-a-apply ko ng Krystall Herbal Oil kay baby. At iyon po ang simula kung bakit ako’y bilib na bilib sa inyong produkto. Nakaligtas po ako sa galit ng amo at sa muntik nang pagkatanggal sa trabaho.

         Pero sinabihan ko na po ang amo ko na kailangan namin maglinis sa kuwarto ni baby para maitaboy na ang mga lamok.

         Nang dumating po ang amo ko, nagulat din siya dahil wala siyang nakita ni bakas ng pantal. Pero dinala pa rin namin si baby sa doktor para raw ma-blood test.

         Pero lalo po akong bumilib sa Krystall Herbal Oil kasi hindi man nilagnat si baby at nagpasalamat din dahil hindi na-virus mula sa lamok.

         Maraming salamat po Sis Fely, dahil sa inyong imbensiyon ay lalong nagtiwala sa akin ang aking amo.

         God bless po.

JEAN GATBONTON

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …