Sunday , December 22 2024
ombudsman

DOTr execs, Solgen kinasuhan sa Ombudsman vs PUV modernization

KINASUHAN kahapon ng transport group na MANIBELA ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng pagbawi ng prangkisa sa mga unconsolidated public utility vehicles (PUVs).

Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni MANIBELA president Mario Valbuena na nilabag ng mga opisyal ang Constitution and Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsusulong ng PUV Modernization Program.

Nanawagan din siya sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga opisyal ng DOTr at ang kanilang preventive suspension.

Kabilang sa mga kinasuhan  sina DOTr Secretary Jaime Bautista, Office of Transport Cooperatives (OTC) chairperson Ferdinand Ortega, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III at ang kaniyang board membes na sina Egineer Liza Marie Paches, Atty. Mercy Jane Paras Leynes at Atty. Robert Peig.

Kasama din si Solicitor General Menardo Guevarra sa inireklamo ng MANIBELA dahil ipinagtatanggol umano nito ang mga opisyal ng DOTr sa halip na sabihan silang sumunod sa Konstitusyon.

“Neither did the DOTR and LTFRB conduct any consultation among the affected sectors, especially the PUV drivers and operators like the members of complainant MANIBELA and the undersigned Complainant,” ayon kay Valbuena.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-051, ang mga PU holders at drives ay kinakailangang magsama-sama sa mga kooperatiba upang hindi awtomatikong mabawi ang kanilang prangkisa pagsapit ng Disyembre 31, 2023. 

At kung ang mga unconsolidated na PUV unit na ito ay bumiyahe at kukuha ng mga pasahero, aarestuhin sila ng ahensya, ayon kay Valbuena.

Giit ng grupo, ang transport modernization ay malinaw na pagpabor lamang sa mga imported na modern jeepney sa halip na sa mga lokal na manufacturers

Una nang pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang deadline para sa konsolidasyon hanggang Abril 30, 2024.

Nabatid na nitong Enero 5, aabot na sa 73 porsyento ng mga jeepney sa bansa ang nag-consolidate para sa programa. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …