Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Korina Sanchez Maricel Soriano

Maricel ‘di na naghahanap ng makakasama sa buhay — I’m okay without a man

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Korina Sanchez kay Maricel Soriano para sa programa niyang Korina Interviews, natanong ang Diamond Star kung friends ba niya ang lahat ng naging karelasyon niya noon?

Ang mga naging boyfriend noon ni Maricel ay sina William Martinez, Richard Merk, Ronnie Rickets, at Cesar Jalosjos na   nagkaroon sila ng anak, si Sebastien, na ngayon ay 31 years old na. Naging asawa naman ni Maricel si Edu Manzano.

Tumango si Marya bilang oo sa tanong ni Korina, pero biglang natigilan at nag-dialogue ng, “Parang nagla-lie ako roon. Hindi. Hindi lahat.

“Isa lang, actually, ang hindi. Eh, hulaan niyo na lang kung sino. I cannot say the name.”

Paliwanag ni Maricel, “Pero majority of them okay ako sa lahat, except for one person.”

Hindi napilit ni Korina si Maricel na banggitin kung sino ang dating karelasyon na hindi niya naging kaibigan nang maghiwalay sila.

Siguradong hindi si Edu  ang tinutukoy ni Marya dahil hanggang ngayon ay friends pa rin sila kahit naghiwalay na. In fact, naging guest niya pa si Edu sa kanyang YouTube channel.

Hindi kaya si William ang tinutukoy ni Maricel? Napabalita kasi noon na dapat ay ang dating ka-loveteam ang kukuning kapareha ni Maria sa seryeng ginawa niya na General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin, pero tinanggihan niya ito kaya si Albert Martinez na lang ang ibinigay na kapreha sa nasabing defunct series ng ABS-CBN.  

Galit nga ba si  Maricel kay WIlliam?

Sa ngayon after makipaghiwalay kay Edu ay hindi pa uit nakikipagrelasyon si Maria. Pero aniya, okay na ang buhay niya ngayon bilang single parent at hindi siya naghahanap ng bagong makakasama sa buhay.

I’m okay because I’m okay. Without a man in my life, okay lang ako,” sey ng premyadong aktres.

Wala akong panahon. Kasi gusto kong magtrabaho lang nang magtrabaho para sa mga anak ko naman,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …