NAGKAPASO-PASO sa katawan ang tatlong bodegero nang lamunin ng apoy ang pinagtatrabahuan nilang bodega sa Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.
Agad dinala sa ospital ang mga empleyado na pawang naapektohan ng 2nd degree burn.
Batay sa ulat ng Quezon City Fire Department, bandang 3:45 am, nitong Lunes, 29 Enero, nang sumiklab ang sunog sa isang bodega sa Quirino Highway, Brgy. Balon-Bato, Quezon City.
Agad nagresponde ang mga bombero mula sa iba’t ibang fire stations sa Meto Manila kaya mabilis naapula ang apoy.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa sanhi ng sunog at halaga ng natupok. (ALMAR DANGUILAN)