Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano Donbelle Cant Buy Me Love

Belle pang-award ang ginawang pag-iyak

MA at PA
ni Rommel Placente

VIRAL at trending na naman ang phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa social media dahil sa kanilang hit romantic-comedy series na Can’t Buy Me Love. 

Nagpakitang-gilas na naman kasi ang DonBelle sa aktingan, na talagang pinupuri sila ng kanilang televiewers at kahit kami, ay hanga sa husay nila sa pagganap sa kanilang serye. Isa nga sila sa loveteam na paborito namin.

Bukod sa amin, maraming pumuri sa pag-iyak ni Belle sa isang eksena nila habang kino-comfort siya ni Donny. Grabe ang husay doon ni Belle. Naiyak kami sa eksenang ‘yun. Parang feel na feel namin ang nae-experience ni Belle na may post-traumatic stress disorder o PTSD.

May mga nagsabi pa nga na baka  ma-nominate si Belle sa iba’t ibang award giving bodies next year sa kategoryang Best Actress at posible pa nga raw na manalo ito. Nangangamoy best actress nga raw ang dalaga sa ipinakita niyang performance sa nasabing eksena.

Natutuwa rin ang sumusubaybay sa serye dahil sa pag-tackle ng programa sa mental health issue na pinagdaraanan ng isa sa mga lead character.

Narito ang ilan sa mga comment na nabasa namin sa social media tungkol sa latest episode ng serye.

Galeng! This is one show na talagang unpredictable. Grave ang twists and turns. Walang tapon na eksena. All the actors are superb.”

You devoured this scene! Proudest of you, always!”

Can’t stop crying. The BEST episode so far. Galing-galing n’yo DonBelle.”

DonBelle is undeniably the best actors of their generation. Confirmed. Sila na ang kapalit sa iniwang trono ng kathniel sa ABS-CBN!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …