Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Gladys Reyes Angelu de Leon

Claudine nagmaasim kay Angelu — anong Angelu? Walang Angelu. Tayong tatlo lang

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

Wala ni isa man sa mga colleague natin (marami kami huh) Mareng Maricris ang may alam sa kung ano bang isyu mayroon between Claudine Barretto at Angelu de Leon?

May pagtataray, sarkastiko, at tila may inis kasi ang pagkakasabi ni Claudine ng “anong Angelu? Walang Angelu. Tayong tatlo lang (Judy Ann Santos, Gladys Reyes, at Clau).”

At inulit -ulit pa niya ito sa tila natatarantang si Gladys Reyes.

Nangyari nga iyan sa 20th wedding anniversary nina Gladys at Christopher Roxas at 18th birthday naman ng anak nilang si Christophe.

May isyu? Ano ‘yun?,” ang sabay-sabay naming tanong habang kinukunan ng video ang portion na tinatawag na nga ni Gladys ang mga celebrity friends niyang dumalo sa kanilang okasyon.

Nagkataon namang nakaalis na si Angelu kasama ang asawa nito kaya’t clueless ang marami kung bakit parang “napaka-asim” ni Claudine sa naging sagot niya sa tanong ni Gladys sa estado ng planong movie project nila na pagsasamahan nga dapat nila nina Judy Ann Santos at Claudine at na-segue nga ni Gladys ang name ni Angelu na kasama rin dapat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …